Connect with us

Showbiz

Toni Fowler, itinampok sa kaniyang vlog ang kanilang mala-palasyong bahay na tinawag niyang “Toro De Palacio”!

Published

on

Marami ang talagang namangha at napa-sana all sa itinampok na vlog kamakailan lamang ni Toni Fowler. Siya ay kilala rin bilang si Mommy Oni. Ang kaniyang Toro family ay lumipat na sa kanilang mala-palasyong tahanan na tinawag nilang “Toro De Palacio”.

Sa unang araw ng taong 2022 ay itinampok niya nga sa kaniyang vlog ang house tour ng bago nilang tahanan. Ito ay isang two-storey na mansyon na mayroong Roman architectural design sa harapan na mayroon ding apat na Doric pillars.

Napakalawak din ng garahe sa harapan nila na maaaring magkasya ang tatlong mga sasakyan. Masisilayan kaagad ang kanilang bonggang hagdanan sa pagpasok pa lamang sa kanilang napakalawak na tahanan.

Tiyak daw na papayat siya kakaakyat dahil sa napakahaba ng hagdan nilang ito. Mayroon din itong tatlong mga silid-tulugan, kwarto ng mga kasambahay, indoor pool, at likod-bahay.
Tulad ng ibang bahagi ng kanilang bahay ay napalawak din naman ng kanilang sala ngunit balak itong gawing dance studio ni Toni para sa kaniyang anak na si Tyronia.


“Hindi ko talaga ito gagawing sala. Gagawin ko itong studio. ‘Etong part na ito, lalagyan ko ng malaking salamin dito ‘tapos dito kami magsasayaw ng aking anak. So magiging dance studio talaga itong part na ito. Actually itong bahay na to ipapa-renovate pa talaga namin. Ganoon ang eksena.” Pahayag ni Toni.

Mayroon silang 10-seater dining table kung saan kasya na ang buong pamilya ni Toni. Hindi na sila kakain nang “by batch” o di kaya naman ay mayroong mga nakatayo, nakaupo sa sahig o sa kusina dahil kasyang-kasya na silang lahat dito na sabay-sabay kumain.

Ito rin daw kasi ang bonding ng buong pamilya lalo na kapag sila ay abala sa araw-araw. Pinakagusto ni Toni ang malalaking mga bintana sa kaniyang mala-palasyong tahanan dahil sa nagbibigay ito ng natural na liwanag sa buong bahay lalo na kung umaga.

Naging emosyonal din siya sa bandang dulo ng kaniyang vlog dahil hindi niya akalain na sa wakas ay matutupad niya rin ang pangarap niyang ito para sa kaniyang pamilya.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media