Connect with us

Showbiz

Ion Perez, hindi napigilang maging emosyonal nang balikan ang dating pwesto nila sa palengke noong nagtitinda pa sila ng manok!

Published

on

Maaaring gamit na gamit na at gasgas na gasgas na ang kasabihan na “Ang hindi lumingon sa pinanggalingan ay hindi makararating sa kaniyang paroroonan.” Ngunit totoo naman talaga ang kahulugan ng kasabihang ito na nagpapaalala sa ating kung paano maging mapagpakumbaba at hindi mayabang. Kamakailan lamang ay ibinahagi ni Ion Perez ang ginawa niyang paglingon sa kaniyang pinanggalingan.

Si Benigno Dungo Perez o mas nakilala na natin ngayon bilang si Ion Perez ay isang modelo, beauty pageant titleholder, at TV host. Una siyang minahal ng publiko nang siya ay maging si Kuya Escort sa “Miss Q and A segment” ng programang “It’s Showtime”.

Sa ngayon ay malayo na talaga ang kaniyang narrating. Kung kaya naman para sa kaniyang pinakabagong vlog ay ipinasyal niya ang kaniyang mga tagasubaybay kung saan siya nagtitinda noon ng manok.

Dumalaw si Ion sa kaniyang pinsan at tita na mayroon ding pwesto sa palengke. Hindi rin nito pinalampas na makapagbigay saya sa kaniyang mga kamag-anak dahil maliban sa pagbili ng kanilang paninda ay mayroon din itong munting tulong na ibinahagi sa kanila.

Pinuntahan din niya ang dating pwesto nila sa palengke kung saan siya rin daw ang personal na naglalako at nag-re-repack ng mga manok. Ibinahagi din niyang ang katabing pwesto doon ay pagmamay-ari ni Aling Baby na naging malapit din nilang kaibigan at kakwentuhan noon.

Sa pagkukwento ni Ion ay hindi na niya napigilan pa ang maging emosyonal dahil sa mga nagbabalik niyang alaala.

“Ito ‘yung buhay ko dati, pag walang bumibili, kakwentuhan namin yang si Aling Baby. Yan ‘yung ginagawa namin dati,” Pahayag niya.

“Sobrang sarap balikan, as in. Nakakatuwa kasi, si Lola Baby, ‘yung talong P100 lang, binigyan natin siya ng pampasaya pero tuwang tuwa siya. Ang saya lang.” Dagdag pa niya.

Nagbigay din siya ang payo sa nakararami na huwag dapat mawalan ng pag-asa sa buhay dahil kailangan lang na magtiwala sa iyong sariling kakayahan, huwag kakalimutang magdasal, at huwag kakalimutan ang paglingon sa pinagmulan.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media