Connect with us

Showbiz

Magarbong church wedding nina JC De Vera at asawa nitong si Rikkah Cruz, kinagiliwan ng publiko!

Published

on

Ang pagpapakasal ay isang mabigat na desisyon para sa maraming mga Pilipino. Marahil para sa iba ay simpleng seremonya at simpleng selebrasyon lamang ito ngunit para sa nakararami ay talagang pagsasama ito ng dalawang taong nagmamahalan at ng kanilang mga pamilya.

Kamakailan lamang ay marami tayong nasaksihan na mga bongga at enggrandeng kasalan ng mga sikat na celebrities. Ngunit isa na sa pinakatumatak sa publiko ay ang enggrandeng church wedding nina JC De Vera at asawa nitong si Rikkah Cruz.

Pebrero 21 noong nakaraang taon nang gulatin ng aktor ang publiko nang ibahagi niya sa vlog ng aktres na si Erich Gonzales na siya ay kasal na sa kaniyang non-showbiz girlfriend na si Rikkah Cruz. Taong 2018 nang sila ay magkaroon ng civil wedding.

Hindi rin naman hinayaan ng aktor na hindi nila maranasan ang pagkakaroon ng isang church wedding kung kaya naman makalipas ang tatlong taon ay idinaos naman nila ang kanilang enggrandeng church wedding na dinaluhan ng kanilang mga malalapit na kaibigan at kamag-anak. Sa kabila ng pandemya ay naging matagumpay naman ang kanilang kasal sa San Antonio de Padua Church sa Silang, Cavite noong Setyembre 21, 2021.

Marami talaga ang napa-wow at napa-sana all sa kanilang kasal dahil sa pinaglaanan talaga ito ng pera, oras, at panahon. Napakaelegante at napakasosyal ng kanilang venue na aakalain mong sa fairytale mo lamang makikita.


Habang ang kanilang mga kasuotan naman ay gawa ng mga kilala at respetadong personalidad sa kanilang mga larangan. Likha ni Paul Cabral ang suit ni JC habang obra naman ni Francis Libiran ang wedding gown ni Rikkah.

Maraming mga netizens din ang nagbigay ng kanilang mga komento at reaksyon patungkol sa kasalan na ito. Iilan din ang umamin na noon pa man ay talagang ultimate crush na nila ang aktor at masaya sila dahil sa wakas ay natagpuan na nito ang tunay na pag-ibig sa katauhan ng kaniyang misis.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media