Connect with us

Animals

Isang napaka-cute na tuta na naka-cross legs pa sa gitna ng matinding pagbuhos ng ulan, nagpamangha sa publiko!

Published

on

Marahil marami na rin sa atin ang nakaranas na maging “senti” o “sentimental” kung ilarawan ng publiko. Sa mga panahon at oras kasi na ito ay para bang nais na lamang nating tumulala at tumingin sa malayo.

Maaaring sa mga oras na ito ay nalulungkot tayo na kadalasang nangyayari sa atin. Habang mayroon din namang iilan sa atin na sadyang maligaya at nagagalak lamang dahil sa kanilang nakamit na biyaya o tagumpay.

Ngunit minsan ay maaari din pala natin itong makita sa mga hayop sa ating paligid tulad na lamang ng isang aso na ito. Maliban sa pagtuturo sa ating mga tao na maging “loyal”, “energetic”, at “playful” tila ba nais na ring ipaalala sa atin ng tuta na ito na dapat ay “easy-han” lang din natin sa buhay.

Maaaring marami sa atin ang nape-pressure at nagmamadali na sa napakaraming mga bagay na nais nilang makamit sa buhay na halos dumarating na rin sa puntong nasosobrahan na tayo sa pag-iisip at hindi na nagiging maganda ang dulot nito sa atin. Marahil ang tuta na ito ang magpapaalala sa atin kung gaano kasarap mabuhay at kung gaano kasarap ang ipagpasalamat ang bawat simpleng bagay na mayroon tayo sa ngayon habang hinihintay pa natin ang sagot sa ating mga dalangin.

Sa video kasi na ito ng isang tuta na talaga namang kinagigiliwan ng maraming mga netizens ay matatanaw ang isang tuta na naka-cross legs pa nga sa gitna ng malakas na buhos ng ulan! Kung marami sa atin ang naiinis at nagagalit sa dalang perwisyo ng ganitong panahon, para sa tuta na ito, walang dapat ikagalit at ikabahala dahil lilipas din naman ang ulan at muling sisikat ang araw.

Hindi naman din masama ang paminsan-minsan ay paglaanan natin ng oras na namnamin ang mga simpleng bagay na nakapaligid sa atin. Dahil baka hindi na rin natin nagagawang i-enjoy ito kahit papaano.



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.