Connect with us

Animals

Isang lalaki, naglalakad kasama ang dalawang alaga niyang aso mula Bulacan papuntang Baguio humingi ng tubig sa halip na pera!

Published

on

Umantig sa puso ng publiko ang isang lalaki na ito dahil sa pagiging simple nito sa buhay. Ayon sa ilang mga ulat, nakasalubong ng netizen na nakilala bilang si Rg Tiquia ang lalaking ito na mula pa sa Tabang, Bulacan.

Mayroon siyang kasamang dalawang aso na nakatali sa kaniyang baywang. Nang makasalubong daw nila ang mga ito ay nagulat sila dahil hindi pera o pagkain ang hiningi sa kanila ng lalaki kundi tubig lamang na maiinom.

Labis silang nagulat dahil hindi naman lahat ng tao ay ganito. Kadalasan kasi ay pera o pagkain ang kanilang hinihiling.

Mayroon pa ngang ilang mga insidente na aayaw sa pagkain ang mga nanghihingi dahil mas gusto daw nila ang pera kaysa mailalaman sa kanilang sikmura. Humanga si Tiquia at ang maraming mga netizens sa lalaking ito.

Dagdag pa niya, nagdesisyon daw ang lalaki na hindi niya nakuha ang pangalan na magtungo na lamang sa isang kamag-anak nito sa Baguio dahil maraming mga tao sa kaniyang paligid ang nangmamaliit at nagmumura sa kaniya. Mainam pa raw na ang mga aso na lamang niya ang kaniyang kasama dahil walang nagiging problema at simple lamang ang kanilang pamumuhay.


Dalangin din daw ni Tiquia na sana ay maging ligtas ang lalaki at mga alaga nitong aso sa kanilang patutunguhan. Tunay nga na ang bawat isa sa atin ay mayroong kaniya-kaniyang pinagdaraanan kung kaya naman mas mainam na maging mabuti tayo sa isa’t-isa.

Kung batid naman natin na kailangan ng ating kapwa ng tulong, huwag na sana tayong matakot na tumulong sa kanila. Dahil kung hindi natin ito gagawin ay walang ibang tutulong sa kanila.

Nakakalungkot ding isipin na marami pa rin pala sa atin ang labis kung manghusga at mag-alipusta sa ating kapwa. May pera man o wala – mayaman man o mahirap ang isang tao – dapat ay matuto tayong rumespeto sa kanila.

Dahil katulad natin ay may buhay at may mga pangarap din naman sila.



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.