Connect with us

Animals

Isang aso ang proud na nagpakita ng koleksyon nitong mga stick sa kaniyang among lalaki!

Published

on

Marami sa atin hanggang ngayon ang aminado pa rin sa pagiging sentimental natin sa maraming mga bagay. Talaga namang basta mayroong mahalagang bagay sa atin ay hindi natin ito basta basta binibitawan.

Marahil mayroong iilan sa atin ang nangongolekta ng mga bagay na may halaga sa atin. Tulad na lamang halimbawa ng mga trading cards, mga video games, mga lumang barya o pera, comic books, at marami pang iba.

Kakaibang pakiramdam ang nadarama ng mga taong nangongolekta ng mga bagay na talagang may halaga sa kanila. Ngunit hindi lamang pala mga tao ang may hilig sa ganito.

Dahil maging mga hayop at nangongolekta din pala ng mga paborito nilang bagay. Halimbawa na lamang ang aso na ito.

Aakalain mo bang may koleksyon pala siya ng mga stick? Kung maraming mga aso ang kuntento na sa isa o hanggang dalawang stick, ang apat na taong gulang na Golden retriever na ito ay talagang kinareer ang pangongolekta ng mga stick.

Ang asong ito ay walang iba kundi si Bruce. Ayon sa kaniyang amo na si Leo Icenhour, nagsimula ang pangongolekta ni Bruce ng mga stick matapos ang isang winter storm noon.

Nabaon kasi ang paborito niyang stick sa malalim na niyebe. Nang mga sumunod daw na araw ay napansin niyang hinahanap ito ng kaniyang aso ngunit hindi na makita pa ni Bruce ang paborito niyang stick.

Natawa pa nga si Leo dahil aakalain mong isang taong nasiraan ng bait si Bruce kakahanap sa paborito niyang stick na halos ilubog na niya ang kaniyang ulo sa niyebe mahanap lamang ito. Mula noon ay nagsimula na siyang mangolekta pa ng mga stick na ngayon ay, halos nasa 50 piraso na!

Mayroong mahahaba, maiiksi, makapal, manipis, at iba’t-ibang klase pa ng mga stick. Maaari na nga raw na ma-display ang mga ito sa munting museo ni Bruce.



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.