Connect with us

Animals

Isang aso ang palaging naghihintay sa kaniyang amo sa bus stop na ito upang gawin ang paborito niyang bagay!

Published

on

Ang pagkakaroon ng alagang hayop ay hindi madali, hindi simple. Mayroon itong mabigat na responsibilidad na hindi basta basta lalo na para sa mga taong wala naman talagang pagmamahal sa mga hayop.

Nangangailangan din ito ng disiplina dahil hindi naman lahat ng nag-aalaga ng hayop ay kayang maging disiplinado. Tunay nga na kapag naging malapit na ang isang tao at alaga nitong hayop ay mahihirapan na ang kahit sino na mapaghiwalay sila.

Wala nang makakasira o makakahadlang pa sa kanilang samahan. Talaga namang kapansin-pansin ang pagiging malapit ng aso na ito at ng kaniyang amo.

Kilala ang mga aso bilang man’s best friend at napatunayan na rin nila na totoo ito sa maraming pagkakataon. Kamakailan lamang ay umantig sa puso ng publiko ang ugnayan at samahan ng isang batang lalaki at alaga nitong aso.


Ang aso na ito ay nakilala sa pangalan na Maggie. Araw-araw ay hindi ito pumapalya na maghintay sa damuhan para sa pagdating ng isang batang lalaki.

Sa oras na bumaba na ito ng school bus ar makalapit kay Maggie ay magyayakapan na ang dalawa. Ang dalawang ito ay mula sa Oshkosh, Winconsin.

Maraming mga netizens ang talagang na-touch sa kanilang ugnayang dalawa. “Best buddies” nga kung sila ay ilarawan.

Marami din daw mga netizens ang nakaka-relate dahil nagkaroon din sila ng mga alagang hayop na talagang sweet na sweet sa kanila noong sila ay mga bata pa lamang. Hindi nga maipagkakaila na napaka-sweet ng ipinapakitang ito ni Maggie sa kaniyang kaibigan.

Bagamat isang aso at isang tao ay mayroon pa rin silang matatag na pagsasamahan na hindi magigiba basta basta ng kahit sino man. Kung kaya naman hindi na rin nakapagtataka ang mga nababalitaan natin patungkol sa mga hayop partikular na ang mga aso at ang kanilang mga amo.

Kung pagiging “loyal” lang naman ang pag-uusapan ay walang makakatalo sa mga asong ito.



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.