Connect with us

Animals

Video ng isang aso na umiiyak dahil sa pagkawala ng kaniyang mga anak, umantig sa puso ng publiko!

Published

on

Wala nang mas hihigit pa sa pagmamahal ng isang ina. Talaga namang kahit ano ay kayang-kaya nilang gawin para sa kanilang mga anak.

Kahit pa nga kapalit nito ay ang kanilang kaligayahan, hindi matatawaran ang pagmamahal ng isang ina para sa kaniyang anak. Kamakailan lamang ay umantig sa publiko ang video na ito ng isang aso na tila grabe ang hirap sa paghinga.

Tila umiiyak din ito dahil sa pagkakawala ng kaniyang mga supling. Maraming mga netizens ang nabahala at sinabing hindi normal sa isang aso ang ganitong paghinga kung kaya naman dapat na nila itong ipatingin sa doktor.

May ilang mga netizens din naman ang labis ding nabahala sa aso at sinabing hirap talaga ang mga ito sa ganitong klaseng mga sitwasyon. Kahit na sabihing hayop lamang sila ay mayroon pa rin silang damdamin ng isang ina.

Sila ang nagbuntis at nagdala sa kaniyang mga supling kung kaya naman napakasakit talaga para sa kaniya na mawala ang mga ito ng maaga. Mayroon din namang ilang indibidwal na nagsasabing kaparehas din tayo ng maraming mga hayop lalo na ang pagmamahal ng mga ina para sa kanilang mga anak.

Tunay nga na kahit gaano pa katanda ang ating mga ina ay hindi natin dapat sila pagsalitaan ng masasakit at balewalain. Sila ang mga taong dapat na binibigyan natin ng matinding respeto at pagmamahal kahit na anong mangyari.
Dahil batid naman nating hindi biro ang pagbubuntis, ang panganganak, at ang pagpapalaki ng mga bata. Lalo na sa panahon natin ngayon na sadyang napakahirap na ng buhay.

Sabi nga sa banal na kasulatan na dapat mong igalang at mahalin ang iyong mga magulang dahil ito ang magbibigay sa iyo ng pagpapala at mahabang buhay. Kung kaya naman sa susunod na makita natin ang ating mga magulang ay sabihin natin kung gaano natin sila kamahal.



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.