Connect with us

Animals

Isang asong tila mukhang tao, pinagkakaguluhan ngayon online ng maraming mga netizens!

Published

on

Marahil ay hindi na bago sa atin ang paghanga at pagkakaroon ng interes sa mga cute na pet at alagang hayop ng ating mga kaibigan. Lalo na ngayon na talagang talamak na rin ang mga ito sa iba’t-ibang social media platforms.

Ngunit kamakailan lamang ay marami ang nagulat at talagang nawindang nang kumalat ang larawan ng aso na si Yogi, isang brown Shih Tzu- poodle mix. Sa unang tingin ay isang tipikal lamang siya na aso ngunit pag tiningnan mo siyang muli ay tila ba parang mukha ng isang tao ang kaniyang hitsura!

Marahil ay dahil ito sa kaniyang kilay, sa kaniyang mga mata, at sa kaniyang bigote na ilan sa mga tipikal na makikita sa mukha ng isang lalaki.

“I feel really sad for the pup, because he’s probably really cute, but he’s also horrifying. I feel like a brown-eyed, bearded man is trapped in there,” Komento ng isang netizen.

“WTF he has the most human eyes I’ve seen on a dog,” Pahayag pa ng isa.

Ang ilang mga larawan ni Yogi ay nagkaroon ng maraming mga komento at reaksyon mula sa publiko. Hindi nila akalain na totoong hitsura niya ito at hindi talaga edited o photoshop.

“I laughed, then I got uncomfortable, now I’m rocking back and forth desperately trying to convince myself it’s just a face swap,” Turan ng isang netizen.


“The more I stare at the dog the more I’m seeing my own face….this is creeping me out… like looking into my soul weird,” Komento ng isa pa.

Mayroon pang ilang mga netizens na nagsasabing malaki raw ang pagkakahawig ni Yogi sa mga sikat na artista tulad nina Nicholas Cage, Jake Gyllenhaal at Ed Sheeran. Ilan pang mga netizens ang nagsabi na marahil ay dahil sa “grooming” ni Yogi kung kaya naman nagmumukha siyang tao sa kaniyang hitsura.



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.