Connect with us

Showbiz

Maymay Entrata, ipinakilala na sa publiko ang lalaking nagpapatibok ng kaniyang puso sa mismong selebrasyon ng Valentine’s Day!

Published

on

Noon pa man ay talagang nakasanayan na nating mga Pilipino ang magdiwang ng Valentine’s Day o Araw ng mga Puso. Hindi man ito kasing halaga ng iba pang mga okasyon na nakasanayan na natin, marami pa rin talaga ang naglalaan ng panahon at oras upang maiparamdam sa kanilang mga minamahal na espesyal sila sa araw na ito.

Kung kaniya-kaniyanga flex ang mga kababaihan sa natanggap nilang regalo at sorpresa mula sa kanilang mga Valentino. Ibang Valentino naman ang ibinahagi ng aktres at modelo na si Maymay Entrata sa publiko.

Si Marydale Entrata o mas nakilala at hinangaan natin bilang si Maymay ay 24 na taong gulang pa lamang ngunit talagang marami na rin siyang napatunayan sa publiko. Maliban sa mga proyektong naipagkatiwala sa kaniya noon ay nakilala din siya bilang isang mahusay na modelo na nagbigay karangalan sa Pilipinas.

Siya rin ang tinanghal na Big Winner noong 2017 sa Pinoy Big Brother: Lucky 7. At dahil nga sa dami ng kaniyang mga nagagawang proyekto ngayon sa kaniyang karera ay mas lalo pa siyang hinahangaan ng publiko.

Kamakailan lamang ay nagdesisyon na siyang basagin ang kaniyang katahimikan patungkol sa tunay na estado ng kaniyang puso. Ipinakilala na niya kasi sa publiko ang lalaking nagpapasaya ngayon sa kaniyang puso.

Hindi man niya ito pinangalanan ngunit nilinaw niya sa kaniyang naging post na hindi si Edward Barber o si Donny Pangilinan ang nobyo niya kundi isang napakagwapong foreigner! Marami naman ang kinilig at natuwa sa ibinahaging ito ng dalaga.

Hiling niya rin na sana daw ay igalang at respetuhin ng publiko ang kaniyang desisyon dahil siya talaga ang totoong dahilan kung bakit inspired at blooming siya sa araw-araw. Tunay nga na love is in the air talaga ngayong love month.

Ngunit, huwag sana nating kalimutan na maituturing din naman pagmamahal lalo na sa ating mga iniidolong artista ang pagrespeto at pagsuporta sa kanila sa kanilang mga desisyon sa buhay. Lalong-lalo na sa taong mamahalin nila.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media