Connect with us

Showbiz

Jessy Mendiola, pinamangha ang maraming netizens dahil sa napakagandang hubog ng kaniyang katawan kahit na mag-30 anyos na ang kaniyang edad!

Published

on

Hindi biro ang mga pagbabago na nararanasan ng bawat isa sa atin lalo na sa paglipas ng panahon. Isa na marahil sa kinatatakutan ng iilan ang pagtanda.

Hindi na kasi tulad ng dati ang ating kalakasan at kagandahan. Maaaring mas maging mahina na tayo o di kaya naman ay magkaroon ng kulubot na balat kumpara sa dati.

Ngunit kung iingatan at aalagaan natin ang ating sarili ay tiyak na mas mapapabagal natin ang ating pagtanda. Tulad na lamang ng napakaganda at napakaseksing si Jessy Mendiola.


Kamakailan lamang ay ginulat niya ang publiko dahil sa napaka-hot niyang birthday photoshoot. Tinawag niya itong “last hurrah” bilang pagdiriwang ng kaniyang ika-30 taong kaarawan.

Sa kaniyang mga larawan ay kapansin-pansin ang napakaganda niyang pangangatawan at napakakinis niyang balat. Matagal na panahon na rin daw ang nakararaan mula nang magkaroon siya ng ganitong klase ng photoshoot kung kaya naman nagagalak din siyang nagawa niya itong muli.

“Giddy up. It’s been a long time since I had a photo shoot like this. Last hurrah before I turn 30 this year.” Caption ni Jessy.

Nagmistulang cow girl ang aktres sa kaniyang kasuotan. At talaga namang “worth it” naman ang kaniyang pagpapagod sa kaniyang mga workouts.

Hindi rin naman nagpahuli sa pagkokomento ang mister niya na si Luis Manzano at sinabing pauwi na raw siya. Marami ding mga celebrities ang nagkomento sa kaniyang naggagandahang mga larawan.

Tulad na lamang halimbawa ni Alex Gonzaga, KC Concepcion, Iza Calzado, at Meg Imperial. Hindi mo aakalaing nasa 30s na ang kaniyang edad.

Sa ngayon ay masaya siya sa kaniyang buhay kapiling ang kaniyang mister na si Luis. Bagamat hindi pa sila nabibiyayaan ng supling ay umaasa naman silang ipagkakaloob ito sa kanila sa tamang panahon.

At sa panahon nga na iyon ay tiyak na magiging handa na silang mag-asawa sa isang napakagandang biyaya.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media