Connect with us

Showbiz

Aktres na si Sunshine Dizon, hindi pinalampas ang hindi magandang komento sa kaniyang ang isang netizen!

Published

on

Si Sunshine Dizon ay 38 taong gulang na aktres sa Pilipinas. Noon pa man ay talagang marami na siyang nagawang mga pelikula at teleserye.

Hindi na nakapagtatakang maraming proyekto ang naipagkakatiwala sa kaniya dahil talaga namang napakahusay niyang artista. Kamakailan lamang ay maraming mga netizens ang nakapansin sa ginawa niyang pagsagot sa hindi magandang komento sa kaniya ng isang netizen.

Ayon sa panget na komento ng netizen sa larawan ng aktres, puro tuldok daw ang mukha ni Sunshine kapag hindi ito naka-make up. Narito naman ang nakakatuwang resbak ng aktres sa netizen:

“Pasensiya ka na ha sadyang maraming talaga ko freckles nasa dugo talaga naming. Pero mas ok na pong maraming freckles kesa di ka na maganda masama pa ugali mo.” Komento ng batikang aktres.

Hindi lahat ng mga Pilipino ay mayroong freckles, kadalasang may mga dugong banyaga ang nagkakaroon nito. Mga taong mayroong mapupusyaw at mapuputing kulay ng balat lalo na sa mga kababaihan.


Nakukuha rin ito dahil sa genes ng isang tao. Sa panahon natin ngayon na talagang napakarami nang napupuna at nahuhusgahan, nakakatuwang malaman na mayroong mga nakakatuwang paraan upang basagin ang mga ganitong kaugalian ng ilang mga netizens.

Marami din ang natuwa at bumilib sa ginawang ito ng aktres dahil kahit pa nga isa siyang sikat na personalidad ay hindi niya hinahayaang magkomento ng hindi maganda sa kaniya ang isang netizen. Nagpapatunay lamang ito na kayang-kaya nating ipagtanggol ang ating sarili hindi lamang sa pangungutya ng mga taong kakilala natin o malapit sa atin kundi kahit na mga taong nagtatago sa likod ng mga larawan ng mga online bashers at trolls na ito.

Kung kaya naman sa susunod na magkomento o pumuna tayo ng kakaiba sa ating kapwa, dapat ay siyasatin muna nating mabuti ang ating mga sarili kung tayo ay perpekto upang hindi bumalik sa atin ang mga panget na salitang binibitawan natin sa ating kapwa.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media