Connect with us

Showbiz

Sunshine Cruz, sinagot ang isang netizen na pumuna sa paraan niya ng pananamit kamakailan lamang!

Published

on

Noon pa man ay madalas na tayong makatagpo ng mga taong mapanghusga at talagang walang pakialam sa maaaring maramdaman ng mga taong nakapaligid sa kanila. Basta’t sasabihin nila ang nais nilang sabihin kahit pa nga ito ay hindi na nakakatuwa at talagang makakaapekto na sa ibang tao.

Madalas na nakakaranas ng ganitong klase ng karanasan ang mga sikat na personalidad – mga artista, modelo, beauty queen, social media influencers, o di kaya naman ay mga pulitiko. Kamakailan lamang ay marami ang nakapansin sa post ng aktres na si Sunshine Cruz sa kaniyang social media account. Makikitang nakasuot siya ng isang simpleng pangtaas na makulay at isang kulay asul na short.

Mababakas rin sa kaniyang ngiti ang sayang nararamdaman niya dahil sa napakagandang tanawin sa kaniyang likuran. Nakakalungkot lamang na mayroong isang netizen na nagkomento sa larawan niyang ito ay sinabing matanda na siya para magsuot pa ng damit na pang-teenager.

“Aywan katanda na ang attire parang teenager…” Komento ng mapanghusgang netizen.

Hindi naman nagdalawang-isip ang aktres na sagutin ang netizen na ito at sinabi niyang: “Kailangan po ba ang attire ko like yours para masabing tama ang suot? I don’t think may chart ang attire according to age. Basta happy at confident go lanag po! Walang bawal at masama.” Pahayag ng aktres.


Ang aktres ay 44 taong gulang na at mayroong tatlong anak na babae sa dati nitong asawang si Cesar Montano. Ngunit sa kabilang kaniyang edad at pagaiging isang single mom ay talagang nagagawa pa rin niyang mapanatili at alagaan ang kaniyang kalusugan at pangangatawan.

Kung kaya naman para sa maraming mga kaibigan, kakilala, at fans ni Sunshine ay walang masama sa kaniyang ginagawa bagkus ay nagsisilbi pa siyang inspirasyon sa maraming mga kababaihan na alagaan at mahalin din ang kanilang mga sarili. Tunay ngang hindi wasto na basta na lamang tayo manghusga o magsalita sa ibang tao lalo na kung alam nating makasasakit ito sa kanila.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media