Connect with us

Showbiz

Vice Ganda, biglang inaya ng shopping spree ang dalawang empleyado ng bangko para sa kaniyang latest vlog!

Published

on

Marami sa atin ang talagang nagsusumikap sa trabaho kahit gaano pa ito kahirap. Hindi lamang dahil sa personal nilang mga pangarap kundi dahil na rin sa pagnanais nilang masuportahan ang kanilang mga pamilya.

Sa panahon kasi natin ngayon, talagang nakakapagod ang araw-araw na pagtatrabaho na tila ba wala nang pahinga at wala nang katapusan. Madalas din na kapag ikaw ang nagtatrabaho at alam mo kung gaano kahirap kumita ng pera ay madalang ka nang bumili ng mga bagay para sa iyong sarili.

Mas inuuna mo na ang iyong pamilya – maaaring ang iyong asawa at mga anak o di kaya naman ay ang iyong mga magulang at mga nag-aaral pang mga kapatid. Kamakailan lamang ay naging usap-usapan ang bagong entry ni Vice Ganda sa kaniyang vlog.

Sa vlog niya kasing ito ay ninais niyang sorpresahin ang dalawang taong karapat-dapat na makaranas ng shopping spree sa isang kilalang boutique. At sa kaniyang paglilibot nga ay nakita niya ang dalawang bank employee na sina Juvy at Jewel.

Una na niyang tinanong ang dalawa patungkol sa kanilang trabaho at pamilya. Nang malaman nila ang napakagandang biyayang handog ng batikang host para sa kanila ay hindi na nila napigilan pang maging emosyonal.

Ngayon na lang din kasi sila nagkaroon ng pagkakataon na makapamili para sa kanilang sarili. Sa isang kilalang boutique sila dinala ni Vice at doon ay namili sila ng mga damit, bag, at pabango.
Ang presyo ng pinamili nilang dalawa ay umabot din ng Php65,000. Maging ang pamangkin ng isa sa kanila ay binilhan din ni Vice ng laruang manika habang ang isa naman ay binilhan ni Vice ng isang bike.

Talaga namang nakakatuwang makita ang mga kababaihang ito na tila nagkaroon muli ng panibagong sigla dahil sa natanggap nilang biyaya mula kay Vice. Masayang masaya naman si Vice na nakatulong at nakapagbigay saya siya sa ibang tao sa simpleng bagay na kaniyang nakayanan.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media