Connect with us

Showbiz

Heart Evangelista, muling napa-wow ang mga netizens dahil sa kaniyang mamahalin na Chanel birthday candle set!

Published

on

Si Love Marie Payawal Ongpauco-Escudero o mas nakilala natin bilang si Heart Evangelista ay 36 na taong gulanga na aktres, TV host, singer, visual media artist, philanthropist, socialite, at kasalukuyang first lady ng probinsiya ng Sorsogon. Isa siya sa pinakasikat at pinakahinahangaang personalidad sa ngayon dahil sa kabila ng kaniyang edad ay talagang naaalagaan at napapanatili pa rin niya ang angkin niyang kagandahan.

Marami ang nakakapansin sa mabuting pag-aalaga niya sa kaniyang kalusugan at pangangatawan. Bagamat marami pa rin ang mga taong mapanghusga dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin daw siya nagkakaanak ay nananatili pa rin siyang masaya at kuntento kasama ang kaniyang asawa na si Chiz Escudero at ang kambal na anak nito na ina na rin naman ang turing sa kaniya.

Sa ngayon ay mapapanuod siya sa teleseryeng “I Left My Heart in Sorsogon” kasama niya sina Paolo Contis at Richard Yap. Noon pa man ay nasaksihan na natin ang pagyabong at pagiging matagumpay ng kaniyang karera sa showbiz.

Hindi na rin naman lingid sa ating kaalaman ang naging problema nito sa kaniyang pamilya at ang hindi nila pagsang-ayon noon sa kaniyang pagpapakasal. Ngunit ngayon ay nagkaayos na sila at masaya nang muli ang kanilang buong pamilya.

Kamakailan lamang ay mayroon na namang pasabog si Heart para sa nalalapit niyang kaarawan sa Pebrero 14. Dahil isangc certified ‘Sosyalera Rich Asian’ ang aktres ay ibinahagi nito ang larawan ng kaniyang sosyal at mamahaling Chanel birthday candle set!

Ang brand na Chanel ay isang “French luxury fashion house” na naitatag ni Coco Chanel noon pang 1910. Talaga namang hindi biro ang presyo ng mga mamahaling damit at accessories dito.

Hindi na nakapagtatakang suking suki nito ang aktres na si Heart. Sa katunayan pa nga ay nagkakahalaga ng Php2,559 ang ilang pirasong Chanel candles na hawak nito.

Advance happy birthday, Heart!



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.