Connect with us

Showbiz

Gretchen Barretto at Tonyboy Cojuangco, hindi nagpahuli sa sikat na yoga pose challenge ngayon ng mag-asawang Ellen Adarna at Derek Ramsay!

Published

on

Si Gretchen Castelo Barretto o mas nakilala natin sa screen name niyang Gretchen Barretto. Siya ay 51 taong gulang na aktres at singer. Marami ang humahanga sa kaniya hindi lamang sa husay niya sa pag-arte kundi dahil sa angkin niyang kagandahan.

Nakababatang kapatid din niya ang dalawang kilalang artista sa showbiz na sina Claudine Barretto at Marjorie Barretto. Taong 1994 nang maging magkarelasyon sila ng businessman na si Antonio “Tony Boy” Cojuangco Jr.

Nagkaroon din sila ng isang anak na pinangalanan nilang Dominique. Sa paglipas ng panahon ay naging matatag ang kanilang relasyon.

Hindi nila alintana ang mga taong humuhusga sa kanila. Marami nang naging bashers noon pa man si Gretchen ngunit sa kabila nito ay pinili niyang maging maligaya kapiling ang kaniyang mag-ama.

Hindi na rin lingid sa kaalaman ng publiko ang alitan nila sa pamilya ng kaniyang mga kapatid ngunit nagiging maayos din naman ang kanilang pagsasama lalo na at ilang taon na rin ang nakalilipas. Kamakailan lamang ay kinagiliwan ang bonding nina Gretchen at Tonyboy.

Sinubukan kasi nilang gayahin ang yoga pose ng mag-asawang Ellen Adarna at Derek Ramsay! Sa video na masayang ibinahagi ni Gretchen sa social media ay makikita kung paano niya tulungan si Tonyboy sa pag-eensayo nito na tila ba siya ay isang physical therapist.

Nagbiro pa ang aktres na ang halaga daw ng kaniyang session ay isang libong piso. Marami din ang nakapansin sa pagiging flexible pa rin ni Gretchen sa kabila ng edad nito.

“Pretend you’re Derek Ramsay, okay? And I’m Ellen. Baka mabalian ‘to ng buto.” Pabirong bulalas ni Gretchen.

Nag-trending nito lamang buwan ang mga poses nina Ellen at Derek sa social media kung saan pilit na ginagaya ng ilang mga netizens ang mahirap na poses nilang mag-asawa. Kung noon ay marami ang bumabatikos sa naging mabilis na proseso ng kanilang relasyon, ngayon ay mas marami na ang natutuwa sa kanila dahil sa nakikita rin naman ng publiko kung gaano nila kamahal ang isa’t-isa.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media