Connect with us

Showbiz

Komedyanteng si Jimmy Santos, matapos subukan ang pagiging tinder ng karne sa palengke ay sinubukan namang maging isang barker ng pampasaherong dyip!

Published

on

Si Jaime Santos o mas hinangaan natin bilang si Jimmy Santos ay 70 taong gulang na aktor, komedyante at dating professional basketball player. Noon pa man ay talagang hinahangaan at minamahal na siya ng maraming mga Pilipino dahil sa pagiging kwela nito sa harap at likod ng kamera.

Kamakailan lamang ay pinasok na rin ng batikang komedyante ang pagba-vlog. Ilan sa mga ginawa niyang vlog ay ang simpleng pamumuhay sa probinsiya at tampok din ang ilang mga lugar sa Pampanga. Una na niyang sinubukan ang pagtitinda ng karne sa palengke kung saan siya rin mismo ang naghihiwa ng mga paninda nila.

Hindi nagtagal ay muli na naman siyang nagpost ng isang vlog kung saan sinubukan naman niya ang pag-uuling. Sa ngayon ay mayroon na siyang Silver Button matapos magkaroon ng higit sa 100,000 na mga subscribers sa YouTube.

Ang pinakabagong vlog niya ngayon ay ang ginawa niya bilang isang barker ng pampasaherong dyip. Ang biyahe ng dyip ay mate gate sa Angeles, Pampanga.

Hindi niya inurungan ang pagiging isang barker sa kabila ng matinding init ng panahon. Dahil sa nararanasan pa rin natin ang pandemya sa bansa ay palagi rin siyang nagpapaalala sa mga pasahero na panatilihin ang social distancing sa loob ng dyip.

Wala namang pagsidlan ng saya ang mga pasahero dahil hanggang ngayon ay talagang kwela at kengkoy pa rin ang batikang komedyante. Nagkaroon din ng pagkakataon si Jimmy na makausap ang ilang mga jeepney drivers upang malaman ang kinikita nila sa araw-araw.

Napatunayan din niyang hindi pala talaga biro ang pagtatrabaho bilang isang jeepney driver at barker. Ngunit patuloy pa ring nagsusumikap at nananatiling positibo ang maraming mga Pilipino para na rin sa kanilang mga pamilya.

Talagang pagtitiis at sakripisyo ang ginagawa natin upang makaraos sa araw-araw at kahit papaano ay mayroong maiuwi sa ating asawa at mga anak.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media