Connect with us

Showbiz

Danica Sotto, mayroong nakakaantig na mensahe para sa mga anak na lumaki sa broken home at broken family!

Published

on

Si Danica Sotto ay 38 taong gulang na aktres na napanuod natin noon sa Fantastic Man (2003), Click (1999), at Uno (2005). Siya ay anak ng mga batikang artista na sina Vic Sotto at Dina Bonnevie. Noon pa man ay marami na ang tagahanga ng kaniyang mga magulang.

Taong 1982 nang ikinasal sina Vic at Dina ngunit makalupas ang apat na taon ay naghiwalay rin silang dalawa kahit na mayroon na silang dalawang anak noon na sina Danica at Oyo Boy. Taong 1992 naman nang tuluyan nang magpawalang-bisa ang kanilang kasal.

Sa ngayon ay mayroon nang bagong pamilya si Vic sa katauhan ni Pauleen Luna kung saan nabibiyaan na rin sila ng isang anak na si Talitha. Habang si Dina naman ay nakatagpo na rin ng bagong pag-ibig sa katauhan ng pulitikong si DV Savellano.

Kamakailan lamang ay marami ang naantig sa mensaheng ito ni Danica patungkol sa mga anak na lumaki mula sa isang broken home o broken family. Para sa kaniya, hindi siya naniniwala na ang mga anak mula sa ganitong pamilya ay magiging tulad din ng mga magulang nila dahil natitiyak siyang magiging aral na sa mga anak ang sinapit ng relasyon ng kanilang mga magulang.

“To the children of separated parents… You are not doomed to repeat the mistakes of your parents. You will find love and you have love kasi you learned from what they did wrong,” Pahayag ni Danica

Ang kanilang pagsasama lamang bilang mag-asawa ang natapos ngunit hindi ito nangangahulugan na ang mga naiwang anak ay magiging “broken” na din. Nagbigay din siya ng payo sa nakararami na humingi ng tulong at paggabay sa Panginoon at huwag nang umasa pa sa pagsang-ayon ng ibang tao sa kanila.

Lumaki daw siya sa isang broken family ngunit sa tulong at sa biyaya ng Panginoon ay natulungan siya na maging maayos at buo sa ngayon. Hindi man daw siya isang eksperto sa ganitong bagay ay batid niyang “work in progress” pa rin siya hanggang sa ngayon.


Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.