Connect with us

Showbiz

Jessy Mendiola, may pasabog na mga larawan at video bago siya umedad ng 30-anyos at magkaroon ng baby!

Published

on

Dalawang araw pagkatapos ng ika-29 na kaarawan ni Jessy Mendiola ay nagbahagi siya ng kakaibang pasabog sa kaniyang vlog na pinamagatan niyang “My Pasabog Pictorial Before I Turn 30”. Maraming mga netizens ang talagang nagulat dahil tila ba nagtodo-todo na ng kaseksihan ang aktres.

Ayon pa dito ay ninais daw niya talagang magkaroon ng ganitong klase ng pictorial bago pa man siya mag-30 taong gulang at bago pa man siya mabuntis. Marahil ay nagpaplano na rin silang magkaroon ng baby ng mister niyang si Lucky Manzano.

Todo suporta din naman ang mahusay na host sa kaniyang kabiyak at nagbiro pa nga ito sa comment section na pauwi na raw siya sa kanilang bahay. Talaga namang hindi maipagkakaila ang angking kagandahan at kaseksihan ni Jessy.


Ilan sa kaniyang mga tagahanga ang nagkomento na marahil ay paatras daw ang kaniyang edad dahil mukha naman talagang pabata ng pabata ang kaniyang hitsura. Samantala, ibinahagi din naman ni Lucky ang kaniyang pagkadismaya sa mga taong humuhusga kay Jessy na bakit daw ito ay nagpapa-abs at nagwowork-out pa kung gusto na talaga nilang magkaanak.

Naiinis daw ang aktres sa mga salitang ito lalo na at batid naman talaga nilang mag-asawa kung ano ang kanilang mga plano sa hinaharap. Ang nais lamang nila ay irespeto din ng publiko ang kanilang mga desisyon para sa kanilang binubuong pamilya.

Hindi rin naman kasi tama na madaliin ang mga ganitong klase ng bagay. Napakalaki at napakabigat na desisyon ito dahil hindi rin naman talaga biro ang magdalang-tao lalong lalo na sa panahon natin ngayon.

Kung kaya naman marahil ay magsisilbi na rin itong aral sa maraming mga netizens na huwag nang magkomento pa ng kahit anong bagay na hindi rin naman makakatulong sa mga iniidolo nilang artista. Hindi rin naman tayo sigurado sa pinagdaraanan ng bawat isa sa atin.


Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.