Connect with us

Showbiz

Edu Manzano sinabing nais niya ring magka-anak sila ng nobya niyang si Cherry Pie Picache!

Published

on

Si Eduardo Barrios Manzano o si Edu Manzano ay isang 66 taong gulang na Filipino-American actor, komenyante, pulitiko, at TV host. Hinangaan din siya dahil sa kaniyang mga naging programa tulad ng “The Weakest Link”, “Pilipinas, Game KNB?”, “1 vs. 100” at “Asar Talo Lahat Panalo”.

Kamakailan lamang ay naging maingay ang pangalan nila ni Cherry Pie Picache na isang 51 taong gulang na aktres na madalas nating mapanuod sa mga teleserye at independent films. Nagtrabaho din siya bilang print at TV commercial model ng Palmolive, Camay, at Eskinol.

Marami ang kinilig dahil sa naging pahayag ng dalawa na nais din nilang magkaroon ng anak kung ibibigay ng pagkakataon. Sa vlog na ibinahagi ni Cherry Pie sa kaniyang YouTube channel ay talagang tahasang sinabi ni Edu ang pagnanais niyang ito.

Isa sa kanilang fans ang nagtanong ng “Would you still want to have a baby given the chance?” at agad naman itong sinagot ni Edu at sinabing “Who wouldn’t want babies? I’d love to have one, oo naman,”

Pareho din naman ang kagustuhan ng aktres lalo na at mayroon lamang siyang isang anak. Siguro daw ay magiging maganda ang kanilang anak dagdag pa ni Cherry Pie. Marami din ang naantig sa aktor nang banggitin nito na nais niyang maisayaw ang kanilang magiging anak sa ika-18 taong kaarawan nito dahil hindi niya ito nagawa sa anak niyang si Addie noon.


Pagbibigay-linaw din niya ay hindi naman daw nila kailangan ng pahintulot ng kahit sino at wala rin naman daw sila kailangang itago. Talaga namang nakakakilig pa rin ang tambalan nilang dalawa kahit pa nga marami ang humuhusga sa kanilang mga edad.

Wala rin namang dapat ipag-alala ang marami sa atin lalong-lalo na at masaya naman sila sa kung anong mayroon sila ngayon. Sana ay maging maligaya na lamang tayo sa estado ngayon ng kanilang mga puso.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media