Connect with us

Showbiz

Yeng Constantino, ipinasilip sa kaniyang mga fans ang ipinapagawa nilang farm house sa Quezon

Published

on

Si Josephine Eusebio Constantino-Asuncion o mas nakilala natin bilang si Yeng Constantino ay 33 taong gulang na Filipina pop rock singer-songwriter, occasional actress, at host. Kinilala din siya ng publiko bilang “Philippines Pop Rock Royalty” at isa sa pinakasikat na hitmakers sa bansa.

Taong 2015 ay ikinasal siya sa kaniyang nobyo na si Victor Asuncion. Ngunit kamakailan lamang ay naging usap-usapan siya at si Ryan Bang ng “It’s Showtime” dahil sa naging nakaraan nila.

Marami ang kinilig nang malaman na nanligaw pala noon sa kaniya si Ryan ngunit bigla na lamang itong nawala at hindi na nagparamdam sa kaniya kung kailan nahuhulog na rin ang kaniyang loob dito. Sa ngayon ay mayroon nang closure sa kanilang naging nakaraan noon.

Kamakailan lamang ay ibinahagi rin ni Yeng sa kaniyang vlog kasama ang mister niyang si Yan Asuncion ang ipinapatayo nilang bahay sa Quezon. Dahil na rin sa pandemya ay madalas na silang magpunta sa farm nilang ito kung saan naninirahan ang kaniyang ama at kapatid na si Cookie.

Dahil dito ay nagdesisyon na rin silang magpatayo na rin ng kanilang munting tirahan dito. Ipinakilala din ni Yeng si Mang Fred na siyang pinagkakatiwalaan nilang magtayo ng kanilang tahanan.

Siya rin ang gumawa ng kanilang pinapaupahang apartment, bahay ng kaniyang ama, maging ng resort nila sa Zambales. Madami din daw naputol na mga puno sina Yen sa lugar na pagtatayuan ng kanilang bahay.

Nalungkot silang mag-asawa dahil dito ngunit kailangan din nila itong gawin para na rin sa kanilang kaligtasan. Mas marami daw kasi ang nasasawi dahil sa buko kaysa pating taon-taon. Sa ngayon ay marami din namang puno ng saging sa kanilang farm na pinagkakakitaan din ng kaniyang ama.

Madalas na itinitinda ito ng kaniyang ama sa bayan. Balak din nilang magpatayo ng pavilion kung saan nila balak maglagay ng bilyaran.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media