Connect with us

Showbiz

Aljur Abrenica sa bagong larawan nila ni AJ Raval: “Kumain lang kami tas nagbihis.”

Published

on

Marami sa atin ang nagdiwang ng Araw ng mga Puso o Valentine’s Day kasama ang ating mga minamahal. Mayroon pa ngang kaniya-kaniyang pakulo ang mga asawa at kasintahan para lamang masorpresa ang kanilang pinakamamahal.

Nariyan na ang pagreregalo ng tsokolate, bulaklak, cake, alahas at marami pang iba. Habang ang iilan naman ay naghanda ng isang special date para sa kanilang kapareha. Kasabay nito ay namataan din naman ang pinakamainit na pangalan ngayon sa showbiz – sina Aljur Abrenica at AJ Raval.

Ayon sa ilang mga nauna nang ulat ay matapos mapabalita ang hiwalayang Aljur-Kylie ay niligawan na ng aktor ang dalaga. Inamin din naman ito ni AJ at nakuhanan pa nga sila ng ilang mga larawan noon sa isang mall kung saan sweet silang namimili at namamasyal na magkahawak pa ng kamay.

Nauna nang pinabulaanan ni AJ na siya ang third party sa hiwalayan ng mag-asawa. Binigyang-linaw din naman ito ni Kylie at sinabing hindi na raw dapat pang idamay ang aktres dahil matagal na silang nagkakalabuan at nagdesisyong maghiwalay ng aktor.

Nakakalungkot man dahil mayroon na silang dalawang mga anak ngunit dalangin pa rin ni Kylie ang kaligayahan ng dating minamahal. Samantala, nagkagulo at talagang inulan ng komento at reaksyon mula sa maraming mga netizens ang kumalat na larawan nina Aljur Abrenica at AJ Raval.

Ito ay kuha sa Haiyan Hotel and Resort sa Leyte kung saan diumano ay magkasamang nagdiwang ng Valentine’s Day ang dalawa. Paglilinaw naman ni Aljur ay kumain at nagbihis lamang daw sila sa naturang lugar at trabaho ang kanilang pinunta roon.

“We were blessed to grace their inauguration, may bago silang bukas na radio station,” Pahayag ni Aljur sa naging panayam sa kaniya ng PEP.

“E, wala, trabaho yun e, pupuntahan ko. “Yung hotel na yun, nagulat ako, kumain lang kami dun ‘ta’s nagbihis lang to freshen up para sa show,” paliwanag ng aktor.

“Siyempre, Valentine’s, nagkataon lang. Hindi (kami nag-stay dun). Sila lang ang gumagawa ng drama na ‘yan. Kung anong gusto nilang makita, tingnan nila. Pero trabaho po yun, trabaho po yun para sa mga cooperatives,” Dagdag pa niya.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media