Connect with us

Showbiz

Gerald Anderson at Julia Barretto, nag-enjoy sa kanilang bakasyon sa isang probinsiya!

Published

on

Marami sa mga Pilipino ngayon na naninirahan sa mga siyudad ang nais magretiro sa probinsiya. Para kasi sa kanila, napakasimple lamang ng pamumuhay rito at hindi mo na kakailanganin pang magtrabaho ng husto para lamang kumita ng malaki.

Sa Maynila kasi ay talaga mahal halos lahat ng bagay – magmula sa pamasahe, bilihin, renta ng bahay, tubig at kuryente. Kung kaya naman ganoon na lamang ang pagnanais ng nakararami na sa probinsiya na lamang magretiro at manirahan.

Ngunit mayroon din namang iilan na hindi pa maaaring lisanin ang maingay at magulong siyudad kung kaya naman namamasyal at bumabalik-balik na lang muna sila sa probinsiya. Kamakailan lamang ay namataan ang magkasintahang Gerald Anderson at Julia Barretto na nagbabakasyon sa isang napakaganda at napakatahimik na probinsiya.

Talaga namang sariwa ang hangin at maging ang mga pagkain na matitikman dito ay sariwa din. Sa kanilang mga larawan ay makikita kung gaano sila kasayang maranasan ang mga simpleng pamumuhay rito.

Halimbawa na lamang ang pag-angkas ni Julia sa kaniyang nobyo at ang pagluluto nito ng kanilang ulam gamit lamang ay kahoy. Namangka din ang aktor na si Gerald at nagpa-picture din sa kanila ang ilan sa mga lokal na residente dito.

Talaga namang wala pa ring tatalo sa angking ganda ng ating mga probinsiya dito sa Pilipinas. Sa panahon ng pandemyang ito, talagang napakarami nating naranasan.
Mapalad pa rin tayo dahil nasisilayan pa rin natin ang napakaraming biyayang mula sa Diyos sa pagmulat pa lamang ng ating mga mata, hanggang sa ating pagtulog kasama ang ating pamilya. Tunay nga na napakarami nating dapat ipagpasalamat sa Diyos.

Sikapin din sana nating mamuhay ng masaya at kuntento sa kabila ng maraming problema at dagok ng buhay. Tulad na lamang halimbawa ang magkasintahang ito na kahit maraming mga taong nanghuhusga ay pinipili pa rin nilang maging masaya at pinipili pa rin nila ang isa’t-isa sa araw-araw.



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.