Connect with us

Showbiz

Ivana Alawi, prinank ang kaniyang ina at kapatid na ibinenta na raw ang kanilang bahay at kailangan na nilang umalis!

Published

on

Ang pagpupundar ng bahay at lupa ang isa sa pinakamahirap na maipundar ngayon ng mga ordinaryong Pilipino. Kung sapat lamang ang iyong sweldo para sa araw-araw na pagkain at buwanang gastusin, samahan pa ang matrikula ng iyong mga anak, tiyak na mananatili na lamang itong pangarap.

Ngunit sa panahon ngayon ay marami na ring posibleng paraan upang kahit papaano ay maunti-unti ang pagkakaroon o pagpapatayo ng bahay at lupa. Kamakailan lamang ay marami na naman ang nabigyang inspirasyon ng vlogger at aktres na si Ivana Alawi dahil sa kaniyang latest vlog ay ibinahagi niya ang kaniyang sorpresa para sa kaniyang ina at kapatid na si Mona.

Noon pa man, kilala na ng kaniyang mga fans si Ivana bilang isang mapagmahal at mapagbigay na anak. Palagi niyang inuuna ang pangangailangan ng kaniyang pamilya bago pa man ang kaniyang sarili.

At talagang sinisigurado niyang nagtatrabaho siya ng husto para pa rin sa kanila. Sa kaniyang pinakabagong vlog ay magkakaroon dapat sila ng house tour. Kasama ang kaniyang buong pamilya ay ipapasilip sana nila ang bagong pundar na bahay ni Ivana.

Ngunit dahil likas ding mapagbiro at mahilig sa sorpresa si Ivana, idinaan niya sa prank ang kaniyang inihandang regalo sa kaniyang ina at kapatid. Kunwaring ibinenta niya ang kaniyang bahay at ang tunay na may-ari nito ay gumawa ng eksena sa labas ng kanilang tahanan kung saan naroroon ang kaniyang mommy Fatima Alawi.


Nagulat at talagang nainis ang ina ni Ivana sa taong umaangkin sa kanilang bahay. Diumano ay sa kaniya raw ito at siya raw ang tunay na may-ari. Kalaunan ay kunwari inamin ni Ivana ang kanilang sitwasyon at mukhang kakailanganin na nga nilang mag-alsa balutan.

Ngunti hindi rin niya natiis ang kaniyang ina kung kaya naman ibinigay na rin niya ang dokumento kung saan nakasulat na ang bagong bahay nila ay ipinangalan niya sa kaniyang mommy Fatima at kapatid na si Mona. Talagang nasorpresa naman ang mga ito at laking pasasalamat nila sa regalong ito sa kanila ni Ivana.


Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.