Connect with us

Showbiz

Wilma Doesnt, ibinahagi ang nakakakilig at napakaganda nilang prenup photos ng kaniyang non-showbiz boyfriend na 15 taon daw niyang hinintay!

Published

on

Marahil ay madalas na nating marinig noon pa man ang mga katagang ito mula sa Isaiah 60:22 – “When the time is right, I, the Lord, will make it happen.” Talaga namang marami sa ating mga Pilipino ang nagkakaroon ng matatag na ugnayan at pananampalataya sa Diyos dahil na rin sa mga pangako Niyang ito sa atin.

Sa ating buhay ay tiyak na marami na tayong naranasan na mga pagsubok at problema. Marami na ring pagkabigo at kasawian ngunit hindi naman din tumitigil ang ating buhay dito. Kinakailangan nating maging matapang sa pagharap sa mga hamon ng buhay na ito nang sa gayon ay mas maging maligaya tayo kapiling ang ating mga mahal sa buhay.

Isa nang patunay ang buhay ng sikat na komedyante at modelong si Wilma Doesnt. Hindi na lingid sa kaalaman ng publiko na ilang relasyon na rin ang kaniyang pinagdaanan bago niya mahanap ang taong magmamahal sa kaniya at sa kaniyang mga anak.

Nabiyayaan din siya ng tatlong mga anak mula sa kaniyang mga nakarelasyon noon na sina Asiana, Emilia, at Araion. Maayos naman ang kanilang buhay dahil na rin sa pagsusumikap ni Wilma para sa kaniyang tatlong mga anak bilang isang single mom.


Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay tila binigyan na siya ng Diyos ng makakatuwang niya sa buhay. Ito ang kaniyang non-showbiz boyfriend na si Gerick Livelo Parin. Ibinahagi nila sa publiko ang kanilang engagement noong July 10, 2021.

Talaga namang ikinagulat ito ng marami ngunit inulan din naman ng pagbati ang magkasintahan dahil sa napakagandang balitang ito. Kamakailan lamang ay proud at masayang masayang ibinahagi ni Wilma sa kaniyang social media account ang kanilang prenup photos.

Napakaganda ng kanilang mga kuha at makikita sa kanilang mga mata at sa kanilang mga ngiti ang labis na kaligayahan sa nalalapit nilang kasal. Nagbiro din si Wilma at sinabing hindi siya rock climber dahil sa mga pinagawa sa kanilang pag-akyat ng kaniyang team.

Sa kabila nito ay buong puso rin siyang nagpasalamat sa lahat ng taong tumulong sa kanila upang maisakatuparan ang prenup shoot nilang ito. Congratulations at best wishes!


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media