Connect with us

Showbiz

Nadine Lustre at nobyo nitong si Christophe Bariou, kasama ang kanilang mga kaibigan, nagbigay ng tulong sa mga biktima ng bagyong Odette sa pamamagitan ng kanilang Siargao Community Kitchen!

Published

on

Si Nadine Alexis Paguia Lustre o mas nakilala natin bilang si Nadine Lustre ay 28 taong gulang na aktres, singer, at modelo. Siya ay una nating hinangaan bilang si Eya Rodriguez sa pelikulang “Diary ng Panget”.

Marami na rin siyang nagawang pelikula at teleserye tulad na lamang halimbawa ng “On the Wings of Love”, “Never Not Love You”, “Ulan”, at “Indak”. Marami ang humahanga sa kaniya dahil sa angkin niyang husay sa pag-arte at sa kaniyang talento, sa pag-awit man o pagsayaw.

Naging sikat ang tambalan nila ng kaniyang ka-loveteam at dating nobyo na si James Reid. Binansagan pa nga silang JaDine ng kanilang mga tagahanga ngunit makalipas ang halos apat na taon nilang relasyon ay nauwi rin ito sa hiwalayan.

Ayon pa sa naging opisyal nilang pahayag noon ay mutual agreement ang kanilang naging desisyon at walang third party o anumang hindi magandang bagay ang nangyari sa pagitan nilang dalawa. Bago pa man matapos ang taong 2021 ay naging maingay na namang muli ang pangalan ni Nadine lalo na ng makita ang ilang mga larawan nila ni Christophe Bariou na isang Filipino-French businessman.


Buhat nang magkahiwalay sina James at Nadine ay hindi na gaanong nakakagawa ng proyekto ang dalawa. Madalas na ding mamataan ang aktres sa isla ng Siargao kung saan mayroong negosyo ang kaniyang nobyo.

Ilang buwan pa lamang ang nakalilipas buhat nang hagupitin ng bagyong Odette ang ilang mga bayan sa naturang isla. Kung kaya naman talagang naging masigasig sa pagtulong ang maraming mga sikat na personalidad tulad na lamang ni Nadine.

At kamakailan lamang ay muli na namang namataan ang aktres kasama ang kaniyang nobyo at kanilang mga kaibigan nang ilunsad nila ang isang feeding program na tinawag nilang “Siargao Community Kitchen”. Marami ang humanga at pumuri sa pagkakawang-gawa nilang ito.

Hindi rin naman nagpahuli ang kaniyang mga tagahanga sa pagpuri sa aktres.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media