Connect with us

Showbiz

Mag-asawang Alwyn Uytingco at Jennica Garcia, nagdiwang ng ika-12 taong anibersaryo ng kanilang relasyon!

Published

on

Ang pagpapakasal ay sagrado at talaga namang isa sa mga kultura at tradisyon nating mga Pilipino na labis nating pinahahalagahan. Mayroon din kasi tayong paniniwala na ang pagpapakasal ay nagiging basbas para sa pamilyang sinisimulan o binubuo ng dalawang tao na nagmamahalan.

Ngunit ang pagpapakasal ding ito ay isang napakalaki at napakabigat na desisyon hindi lamang sa isang lalaking magpapakasal kundi maging sa babae na rin. Tiyak kasi na magbabago ang kanilang buhay sa oras na nagpakasal na sila at hindi na sila magiging katulad ng dati noong sila ay mga dalaga at binata pa.

Marami ding pagsubok ang kanilang kakaharapin ng magkasama at ito ang magiging dahilan upang mas tumibay ang kanilang pagsasama. Hindi naging lihim sa publiko ang paghihiwalay ng celebrity couple na sina Alwyn Uytingco at Jennica Garcia noong Mayo 2021.

Ngunit laking gulat ng marami nang muling mabigyan ng pagkakataon ang kanilang pagsasama nito lamang Oktubre. Kamakailan lamang ay nagbahagi sila ng kanilang larawan online kung saan ipinagdiwang nila ang kanilang ika-12 taong pagsasama.


Binisita nila ang Pinto Art Museum sa Antipolo at doon sila nag-celebrate ng espesyal na araw na ito.

“Alam naman nating lahat, isang milagro ang ma-celebrate ang 12th anniversary namin. Muntik na nga matapos sa 11th year (Opo, dahil po sa’kin. Ako po ang may sala. Sorry na po),” Pahayag ni Alwyn sa kaniyang post.

“Napakahalaga sa akin o sa amin na maipagdiwang ang [anniversary] namin kasi isa siyang malaking blessing talaga. Nagplano ako nang mabuti para sa araw na ’to.” Dagdag pa niya.

Noon pa man ay nais na ni Jennica na pumasyal dito ngunit hindi pa sila talaga nabibigyan ng pagkakataon. Kung kaya naman masayang masaya ito at nakasama din niya ang kaniyang mister.

Ibinahagi din ng aktor ang naging reyalisasyon niya patungkol sa isang linya ng pelikula na kanilang napanuod noon.

“Noong nag rewatch ako ng ‘Avatar,’ mas mabigat na sa’kin ang mga salitang ito, ‘I see you,’ na parang mas matimbang pa ito kaysa sa ‘I love you.’” Komento ni Alwyn.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media