Connect with us

Showbiz

Ellen Adarna, mayroong sweet na anniversary message sa kaniyang asawang si Derek Ramsay!

Published

on

Si Ellen Meriam Go Adarna aya 33 taong gulang na aktres, modelo, at internet celebrity. Marami ang nagulat nang mapabalitang siya pala ay isang heredera. Ang kaniyang pamilya kasi ang nagmamay-ari ng ilang hotel, condominium, at ang Queensland sa Cebu, Manila, at Davao.

Mayroon din silang ipinatayong templo para sa namayapa niyang lola. Sa kasagsagan ng kaniyang karera ay na-link ito sa aktor na si John Lloyd Cruz.

Naging pribado at tahimik ang kanilang relasyon na nagbunga ng isang anak na lalaki, si Elias Modesto. Ngunit hindi rin nagtagal ang kanilang relasyon dahil sa nauwi ito sa hiwalayan. Muli namang umibig si Ellen sa katauhan ni Derek Ramsay.

At sa maiksing panahon nga ay naging magkarelasyon sila. Halos isang buwan pa lamang ang nakalilipas ng kumpirmahin nila ang pagiging magkasintahan nila ay inalok na kaagad siya ng kasal ni Derek.

Oo naman ang naging sagot ni Ellen dito. Nobyembre 2021 nang ginanap sa isang private resort ang kanilang enggrande at bonggang kasalan.

Dinaluhan ito ng kanilang malalapit na kaibigan at kamag-anak. Makalipas ang halos isang taon ay ipinagdiriwang nila ngayong buwan ng Pebrero ang kanilang anibersaryo bilang magkasintahan.

Mayroon silang sweet na mensahe para sa isa’t-isa.

“Then (same day last year) and now. If you didn’t marry me in a heartbeat, today would be our 1st year anniversary together… but, gigil na gigil ka. Happy Anniversary ex-boyfriend I love you,” pahayag ni Ellen.

“I love you too much and I’m proud of that!” komento naman ni Derek.

Hindi rin naman nagpahuli ang aktor at nag-post din ito ng sweet at nakakakilig na mensahe para sa kaniyang asawa. Marami man ang patuloy pa ring humuhusga sa kanilang relasyon ay nananatili pa ring masaya at kuntento ang dalawa kapiling ang kanilang mga anak.

Kung kaya naman hindi na lamang nila pinapansin ang mga negatibong puna ng publiko sa kanila, basta’t ang mahalaga ay maligaya sila.



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.