Connect with us

Showbiz

Kendra Kramer, pinamangha ang publiko sa angkin niyang kagandahan na papasa bilang isang beauty queen!

Published

on

Tayong mga magulang, walang ibang nais kundi ang masuportahan ang ating mga anak sa anumang nais nilang makamit sa buhay. Kahit anong sakripisyo at paghihirap ay talagang tinitiis natin para sa kanila dahil nais nating magkaroon sila ng magandang kinabukasan.

Wala ring pagkakaiba ang mga celebrity parents na prayoridad ang ikabubuti ng kanilang mga anak. Isang magandang halimbawa sina Doug at Cheska Kramer na mayroong tatlong anak, sina Kendra, Scarlett, at Gavin.

Nito lamang Enero 2022 ay nagbahagi ng isang larawan si Kendra sa kaniyang social media account na talagang pinusuan ng maraming mga netizens. Sa naturang impromptu shoot kasi ay talagang angat na angat ang kaniyang kagandahan.

Sa edad na 12 taong gulang ay pang-Miss Universe na ang angking ganda ng panganay nina Doug at Cheska. Proud na proud din naman ang kaniyang mga magulang sa kinalabasan ng kaniyang photoshoot.


Inulan din ng magagandang komento at papuri mula sa publiko ang larawang ito ni Kendra. Mayroon itong caption na “Did someone say pose?” Pinasalamatan din naman ng kaniyang ama na si Doug ang glam team na tumulong sa kaniyang anak upang maging matagumpay ang kanilang photoshoot.

Sila ay ang fashion photographer na si Jerick Sanchez, ang glam team na binubuo nina Denise Go-Ochoa (make-up artist) at Jay Wee (hair stylist), at ang magkatuwang na sina Rainier Dagala at Em Millan para naman sa wardrobe ni Kendra. Ayon naman sa pageant vlogger na si Adam Genato, sa murang edad pa lamang ay nagpapakita na ng potensiyal si Kendra.

Hindi lamang dahil sa kaniyang height na 5’3 at sa kaniyang mahigit na 301,000 followers online kundi dahil na rin sa natural na ganda nito na namana niya sa kaniyang mga magulang. Sa ngayon ay maghihintay pa ng anim na taon ang marami sa atin upang malaman kung papasukin nga ni Kendra ang pagiging isang beauty queen o di kaya naman ay may ibang landas siyang balak tahakin?


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media