Connect with us

Showbiz

Kristine Hermosa, napakaganda pa rin kahit mayroon nang limang mga anak, ano kaya ang kaniyang sikreto?

Published

on

Ang pagiging isang ina ay talaga namang hindi madali. Matinding pagsasakripisyo talaga at pagtitiis ang kailangan nating harapin hindi lamang para sa ating mga anak, sa ating kabiyak, kundi lalo na para sa sarili mismo nating pamilya na ating pinagsisilbihan sa araw-araw.

Kung kaya naman kailangan nating mas maging maingat hindi lamang sa ating pangangatawan kundi lalo na sa ating kalusugan. Kamakailan lamang ay talagang pinagkaguluhan ng maraming mga netizens ang larawan ng aktres na si Kristine Hermosa.

Siya ay 38 taong gulang na aktres, kasal sa aktor at komedyanteng si Oyo Boy Sotto noong taong 2011. Sa kaniyang karera sa showbiz ay talagang pinamalas niya ang angkin niyang husay sa pag-arte kung kaya naman hindi na nakapagtataka na marami na siyang naging tagahanga mula noon hanggang ngayon.

Ngunit marami din talaga ang nagtataka kung bakit sa edad niyang 38-anyos ay tila hindi ito tumatanda! Lima na rin ang kanilang anak ng mister niyang si Oyo Boy.

Adopted son nila ang kanilang panganay habang ipinagbuntis naman niya ang kaniyang apat pang mga anak. Nagdesisyon siyang unahin ang pag-aalaga at pag-asikaso sa kaniyang pamilya kaysa ipagpatuloy ang kaniyang trabaho sa showbiz.

Sa pinakabago niyang post sa kaniyang Instagram account ay makikita kung gaano pa rin kaganda si Kristine. Maging ang kaniyang mukha ay hindi man lamang tumanda kahit kaunti. Ano nga kaya ang sikreto ng aktres?

Noong isilang niya ang kaniyang bunsong anak ay marami din ang nagulat dahil sa napakablooming nitong hitsura sa kaniyang mga larawan na tila hindi nahirapan sa panganganak. Batid naman ng maraming kababaihan kung gaano kahirap ang magbuntis at manganak ngunit tila napakadali lamang nito kay Kristine.

Sa ngayon ay nagsisilbi siyang inspirasyon sa maraming mga kababaihan na pakaingatan pa rin ang kanilang pangangatawan at kalusugan dahil napakahalaga nito para sa isang buo at masayang pamilya.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media