Connect with us

Showbiz

LJ Reyes, nag-post ng larawan nilang mag-iina sa US na talaga namang umantig sa puso ng marami!

Published

on

Si Lourna Jane Pujeda Reyes ay mas nakilala at hinangaan natin bilang si LJ Reyes. Siya ay 34 na taong gulang na aktres at YouTuber. Isa rin siya sa Final Four ng second season ng StarStruck.

Sa dami ng kaniyang mga nagawang proyekto noon ay marami na siyang naiuwing karangalan. Tulad na lamang ng pagiging Best Actress niya sa 39th Gawad Urian Awards.

Hindi na rin naman lingid sa kaalaman ng marami ang kaniyang pinagdaanan pagdating sa kaniyang buhay pag-ibig. Nagkaroon siya ng anak sa dati niyang nobyo na si Paulo Avelino, si Aki na ngayon ay 11 taong gulang.

Nagkaroon din sila ng anak ni Paolo Contis na nakarelasyon niya ng anim na taon, ang tatlong taong gulang na si Summer. Dahil sa naging paghihiwalay ng dalawa ay nagdesisyon si LJ na sa ibang bansa muna manirahan.

Kasama niya ang kaniyang dalawang anak sa Estados Unidos dahil nais niyang maprotektahan ang mga ito sa kontrobersiya at isyu na maaaring kumalat. Sa kasagsagan ng usaping patungkol sa pagbabakasyon sa Boracay nina Paolo Contis at Yen Santos, mayroong isa pang balita na diumano ay buntis na raw si Yen.


Bagamat itinanggi na ito ni Paolo ay marami pa rin ang talagang nagkokomento at humuhusga sa kanilang relasyon na diumano ay naging dahilan nang hiwalayan nila ni LJ. Samantala, nagbahagi din naman si LJ ng napakagandang larawan nilang mag-iina.

Magkasama ang aktres at ang dalawa niyang anak na sina Aki at Summer. Mababakas sa kanilang mga mata ang kaligayahan dahil magkakasama sila roon at malayo sa maraming mga kontrobersiya.

Ilang mga netizens din ang nagpahayag ng kanilang komento patungkol sa pagiging matatag na ina ni LJ. Masakit man daw ang nangyaring ito sa kaniya ay sinisikap pa rin niyang maging mabuting ina sa kaniyang mga anak.

Laking pasasalamat din naman ng aktres sa mga taong nagbibigay suporta at pagmamahal sa kanilang mag-iina lalong-lalo na ang kaniyang buong pamilya.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media