Connect with us

Showbiz

Vice Ganda at Ion Perez, masayang nagdiwang ng Bagong Taon kasama ang kanilang pamilya sa Amanpulo!

Published

on

Marami sa atin ang nagsusumikap sa trabaho dahil gusto nating makatulong sa ating mga mahal sa buhay. Nais nating mapagaan ang dalahin ng ating mga magulang at kahit papaano ay masuklian ang paghihirap at pagsasakripisyo nila noon para sa atin.

Isa na marahil sa mga sikat na personalidad sa ngayon na kilala sa pagmamahal niya sa kaniyang pamilya si Vice Ganda. Siya ay si Jose Marie Borja Viceral sa tunay na buhay. Isa siyang mahusay na komedyante, talk show host, television presenter, aktor, entreprenyur, at mang-aawit. Sa ngayon ay masaya siya sa relasyon nila ng nobyo niyang si Ion Perez.

Mahigit tatlong taon na rin ang kanilang pag-iibigan na suportado din naman ng kaniyang buong pamilya. Nito lamang Enero 10, 2022 ay ibinahagi ni Vice sa kaniyang YouTube channel ang naging pagdiriwang nila ng Bagong Taon.

Nagdesisyon siyang dalhin ang kaniyang pamilya sa napakagandang isla ng Amanpulo. Talaga namang isa ito sa pinakasikat na bakasyunan sa bansa lalo na ng mga sikat na personalidad.

Dito nila sinalubong ang bagong taon. Napakadaming magagandang larawan nina Vice at Ion na nagpakilig rin sa kanilang mga fans.


Hindi rin nila pinalampas ang paglalangoy at pag-snorkeling sa lugar kung saan mas namangha sila sa angking kagandahan ng paraisong ito. Nagsalo-salo din naman ang buong pamilya at hanggang sa hapag-kainan ay talagang namamayani pa rin ang kagalakan at kaligayahan ng lahat.

Noon pa man ay kilala na si Vice na mapagmahal sa pamilya. Wala siyang ibang nais kundi ang ikaliligaya ng kaniyang mga mahal sa buhay lalo na ng kaniyang ina na si Nanay Rosario.

Hindi lamang ka-sweetan nina Ion at Vice ang napansin ng maraming mga netizens sa video dahil kapansin-pansin din ang pagiging maalaga ni Vice sa kaniyang ina at maging si Ion ay maasikaso din pagdating kay Nanay Rosario. Talaga namang naging napakasaya ng pagsalubong nila sa Bagong Taon.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media