Connect with us

Showbiz

Gerald Anderson at Julia Barretto nagkaroon ng napakasayang SunDate adventure!

Published

on

Si Gerald Randolph Opsima Anderson Jr. o mas nakilala natin bilang si Gerald Anderson ay 32 taong gulang na actor at endorser. Marami na siyang nagawang mga teleserye at pelikula.

Naipamalas niya na rin ang angking husay niya sa pag-arte. Dahil dito ay marami na rin siyang mga tagahanga sa loob at labas ng bansa.

Ngunit hindi rin naman maiiwasan ang mga bashers lalo na sa industriyang kaniyang kinabibilangan. Marami na rin ang ibinabatong akusasyon sa actor, halimbawa na lamang ay ang pagiging babaero diumano nito.

Marami na kasi siyang nakarelasyong aktres tulad na lamang nina Kim Chiu, Maja Salvador, Sarah Geronimo, at Bea Alonzo. Talaga namang magaganda at mahuhusay na artista ang mga naging karelasyon niya noon.

Marami na rin siyang kinasangkutang isyu ngunit ang pinakabago ay ang dahilan ng paghihiwalay nila ni Bea na ayon sa aktres ay ghinosting siya ng actor. Usap-usapan din ang pagkakamabutihan nina Julia Barretto at Gerald sa ginawa nilang pelikula noon.


Mariin naman nilang itinanggi ang kanilang relasyon. Sinabi nilang hindi raw sila magkasintahan at hindi naging third party si Julia ng hiwalayang Bea at Gerald. Marso 5, 2021 naman nang aminin ng aktor na magkarelasyon na nga sila ng 24 na taong si Julia.

Hindi rin nagtagal at Agosto 2021 nang sumunod na ring umamin si Bea sa tunay nilang relasyon ni Dominique Roque. Sa ngayon ay masaya na sila sa kaniya-kaniya nilang relasyon.

Kamakailan lamang ay namataan din sa isang SunDate adventure ang magkasintahang Julia at Gerald. Sweet na sweet ang dalawa sa kanilang nature adventure. Sa gitna ng pandemya ay talagang hindi nalilimutan ng dalawa na maglaan ng oras at panahon para sa isa’t-isa.

Marami ang kinikilig sa kanilang relasyon dahil sa kabila ng 8 taong tanda ng aktor kay Julia ay makikita sa kanilang mga mata ang tunay na pagmamahal sa isa’t-isa. Kasalan na nga kaya ang susunod na kaganapan sa kanilang relasyon?


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media