Connect with us

Showbiz

Anak ni Pokwang na si Baby Malia, nagdiwang ng kaniyang ika-apat na taong kaarawan!

Published

on

Maraming mga magulang ngayon ang talagang nahihirapan sa pagpapalaki sa kanilang mga anak dahil na rin sa pandemya. Halos tatlong taon na rin tayong nakikibaka sa pandemyang ito.


Marami nang mga negosyo ang nalugi at kinailangang magsara. Hindi na rin mabilang ang mga manggagawa na nawalan ng mga trabaho dahil sa pandemyang ito.

Nakakalungkot mang isipin ngunit marami talaga sa atin ang labis na naapektuhan. Tulad na lamang halimbawa ng pamilya ng sikat na komedyanteng si Pokwang.
Kamakailan lamang ay nagdiwang sila ng ikaapat na taong kaarawan ng kanilang bunso na si Malia. Tunay ngang napakabilis talaga ng panahon.


Parang kailan lang nang biyayaan sila ng kaniyang partner na si Lee O’Brian ng napakagandang anghel. Labis silang nagpapasalamat sa Diyos dahil sa wakas ay dininig din ang kanilang mga panalangin.


Ngayong taon nga ay ikalawang taon nang hindi nakakapagdiwang ni Mali ng kaniyang kaarawan kasama ang malalapit nilang mga kaanak at kaibigan. Nag-iingat din kasi ng husto sina Pokwang at ang buong sambahayan nila na huwag mahawa ng sakit.

Sobrang hirap din kasi kung magkakasakit ang anak nila lalo na at wala pa ring aprubadong bakuna ngayon para sa mga bata. Para naman sa mensahe ni Pokwang sa kaarawan ng kaniyang anak, labis ang pasasalamat niya sa Diyos dahil sa buhay ng kaniyang bunsong anak na si Malia.


Kahit na hindi sila nakakalabas at nakakapagdiwang kasama ang maraming tao, nagpapasalamat pa rin si Pokwang dahil sa malusog na pangangatawan ni Malia at ng buong sambahayan nila. Bilang isang ina, nais din niyang lumaki ng mayroong takot sa Diyos ang kaniyang anak.


Talaga namang napakapalad ni Malia sa pagkakaroon ng mga magulang na tulad nina Pokwang at ng kaniyang mister. Mayroon din siyang isang ate na unang anak ng komedyante sa dating nakarelasyon nito.

Sa ngayon ay masaya at kuntento si Pokwang dahil kapiling niya ang kaniyang buong pamilya sa hirap man o sa ginhawa.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media