Connect with us

Showbiz

Closeness nina Piolo Pascual at Moi Marcampo, kinaiinggitan ng maraming mga netizens! Namataan silang magkasama sa Mabini, Batangas!

Published

on

Marami sa ating mga Pilipino ang talagang malalapit sa ating mga kamag-anak at kaibigan. Isa na nga ito sa magagandang katangian na madalas mapansin sa atin ng mga dayuhan.

Nakalakihan na kasi natin ang maging mapagmalasakit sa ating mga malalapit na kaibigan. Ito ang estado ngayon ng relasyon nina Piolo Pascual at Moi Marcampo.

Si Piolo Jose Nonato Pascual o mas nakilala natin bilang si Piolo Pascual ay 45 taong gulang na aktor, singer, modelo, at producer. Kahit ang kaniyang edad ay nasa 40s na, talagang napapanatili pa rin niya ang angkin niyang kakisigan at kagwapuhan.

Hindi na nakapagtataka na sa paglipas ng panahon ay marami pa rin ang humahanga at sumusuporta sa kaniya. Marami na rin siyang nagawang pelikula at teleserye kung saan ipinamalas niya ang pambihira niyang talent sa pag-arte.

Kamakailan lamang ay marami ang napa-sana all dahil sa post ng malapit na kaibigan ni Piolo na si Moi. Si Moi Bien Marcampo ang dating personal assistant ni Piolo na ngayon ay isa na sa pinakamalapit niyang kaibigan.

“Tapos na po ang overnight stay ko salamat sa discount hahaha love you Papa P, balik ako agad!” Pahayag ni Moi Marcampo.

Marami ang kinikilig at natutuwa sa napakagandang relasyon ng dalawa. Labis din namang hinangaan si Piolo dahil hindi niya itinuring na ibang tao si Moi kahit pa nga siya ang nagpapasweldo dito.

Itinuring niya itong tunay na kapamilya. Sa paglipas ng panahon ay talaga namang naging matibay ang kanilang pagsasamahan.

Ang sarap lamang pagmasdan na parang magkapatid ang turingan nila sa isa’t-isa kahit pa nga si Piolo ay kilala bilang isang sikat na artista at matinee idol. Natulungan din niya si Moi na makapasok sa showbiz.

Ilang mga netizens din ang nagkomento na maaaring magkatuluyan ang dalawa lalo na at ang alam ang publiko ay single pa rin si Piolo hanggang sa ngayon.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media