Connect with us

Showbiz

Video ni Derek Ramsay na nag-wish at nagsabing “I wish it’s a boy”, usap-usapan ngayon ng mga netizens!

Published

on

Isa na marahil sa mga pinag-uusapang celebrity couple ngayon sina Derek Ramsay at Ellen Adarna. Enero 2021 nang mapansin ng mga netizens ang madalas na pag-get-together ni Derek at ilang mga kaibigan nito kasama si Ellen sa kaniyang bahay.

Nagbahagi din ng ilang mga larawan ang actress-beauty queen na si Ruffa Gutierrez. Pebrero 2021 nang kumpirmahin nilang may relasyon na silang dalawa nang halos isang buwan.

Ito ay matapos mamataan ang dalawa na magkasama sa bakasyon sa Batangas kasama si Elias Modesto. Marso naman nang magulantang ang lahat dahil inalok na ni Derek ng kasal ang aktres na walang pag-aalinlangan namang tinanggap ni Ellen.

Setyembre ang naging pamamanhikan nila at Oktubre naman nang gawin ang kanilang prenupshoots at wedding preparations. Bagamat hindi nila isinapubliko kung kailan ang petsa ng kanilang kasal, lumabas ang kanilang mga video at larawan nang Nobyembre 11, 2021 nang sila ay ikasal sa isang luxury resort sa Rancho Bernardo sa Bagac, Bataan.

Mula nang kumpirmahin nila ang kanilang relasyon sa publiko ay talagang madalas na silang makitang nagkukulitan sa social media. Kamakailan lamang ay mayroong kumalat na video kung saan may hawak na cake si Ellen para sa kaniyang mister, sumigaw ang mga kasama nilang “wish!” para sa birthday boy na si Derek.


Nangingiti naman nitong sinigaw ang mga katagang “I wish it’s a boy” sabay karipas ng takbo palayo sa kaniyang asawa na tila ba nang-aasar. Maraming mga netizens ngayon ang nagtatanong kung buntis na nga ba si Ellen sa panganay nila ni Derek.

Nasasabik na ang lahat para sa kumpirmasyon ng mag-asawa ngunit nananatiling tikom ang kanilang mga bibig. Ibabahagi na nga kaya nila ang magandang balitang ito sa publiko o mas nanaisin nilang ilihim na lamang ito tulad nang ginawa ni Ellen noon nang ipinagbuntis niya si Elias Modesto?

Ano man ang kanilang maging desisyon ay dapat lamang na igalang at irespeto natin ito dahil tulad natin ay mga tao rin naman ang mga artistang ating iniidolo.



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.