Connect with us

Showbiz

Andi Eigenmann mas masaya at kuntento na ngayon sa piling ng kaniyang sariling pamilya sa isla ng Siargao!

Published

on

Maraming mga sikat na artista ang nagnanais nang magandang kinabukasan, masaya at kumpletong pamilya ngunit hindi nila ito maisakatuparan dahil sa mas nakatuon sila sa kanilang karera.

Bagamat mas malaki ang tiyansa na mabilis nilang maabot ang kanilang mga pangarap sa pamamaraang ito ay tila nawawalan din sila ng oras para sa kanilang sarili, higit sa lahat ay para sa sariling pamilya na matagal na nilang pinapangarap.

Noon ay naranasan din ito ng aktres at modelong si Andrea Nicole Guck Eigenmann o mas nakilala natin bilang si Andi Eigenmann. Siya ay anak ng dalawang batikang artista na sina Jaclyn Jose at ang nasirang si Mark Gil.

Sa ngayon ay hindi na siya aktibo sa showbiz ngunit marami pa rin ang nakakapanuod sa kaniya sa kanilang YouTube vlog na “Happy Islanders” na mayroon nang higit na 2.4 milyong subscribers. Engaged na din siya sa kaniyang nobyong si Philmar Alipayo.

Siya ay isang professional surfer na nagwagi na rin sa 19th Siargao National Surfing Cup noong 2017. Isa siya sa mga dahilan kung kaya napamahal na rin ng tuluyan si Andi sa isla ng Siargao.

Sa ngayon ay mayroon na silang dalawang anak sina Lilo at Baby Koa. Kasama din nila sa isla ang panganay na anak ni Andi na si Ellie, anak niya siya sa dati niyang karelasyon na si Jake Ejercito.

Maraming mga netizens ang nakapansin na talagang mas blooming, mas masaya at mas kuntento si Andi sa buhay niya ngayon. Walang magagarang kotse, damit o anumang gamit.

Kapiling niya ang kaniyang lumalaking pamilya at mga kaibigan. Tunay nga na walang makakapantay sa ganitong kaligayahan.

Hindi ito matatawaran o matutumbasan ng gaano man kalaking halaga ng salapi o kayamanan. Nagsilbi ring inspirasyon si Andi sa maraming mga kababaihan na kung hindi talaga sila masaya sa kanilang ginagawa, sa kanilang trabaho o kahit sa kanilang buhay ay maaari pa rin nilang mahanap ang tunay na makapagpapaligaya sa kanila.



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.