Connect with us

Showbiz

Richard Gomez at Lucy Torres-Gomez, sabay na sumailalim sa military training!

Published

on

Mahigit dalawang dekada na ding kasal ang mag-asawang Richard Gomez at Lucy Torres-Gomez ngunit tila hindi pa rin nababawasan ang spark sa kanilang pagsasama. Palagi pa rin kasi silang may “chemistry” at may “kilig” sa harap at likod man ng kamera.

Noon pa man ay talagang hinahangaan na sila sa kanilang mga nagawang proyekto. Naipamalas nila kung gaano sila kahusay sa pag-arte.

Sa kanilang pagsasama ay nabiyayaan sila ng isang anak na babae na si Juliana na ngayon ay nasa ikatlong taon na niya sa Public Administration sa “University of the Philippines”. Proud ang mag-asawa dahil talagang nakapokus ang anak nila sa goal nito at tila may plano din siyang sumabak sa pulitika kalaunan tulad ng kaniyang mga magulang.

Si Richard Gomez ang alkalde ngayon ng Ormoc City habang si Lucy Torres-Gomez naman ay fourth district representative ng Leyte. Abala man sila sa kanilang mga katungkulan at sa munti nilang pamilya ay palagi nilang sinisiguro na mayroon pa rin silang oras para sa isa’t-isa.

Marahil ay naging munting bonding na rin nila ang ginawa nilang basic Citizen Military Training kamakailan lamang. Ilang mga larawan nila ang nagpamangha sa publiko.

Halimbawa na lamang anga mga larawan nilang magkasama na nakasakay sa taas ng military tank at mayroon ding larawan si Lucy habang nakadapa at may hawak na baril. 133 din silang lumahok sa atapos at nakumpleto nilang BCMT.


Talaga namang mas marami pa ang humanga sa mag-asawa dahil sa pagmamahal nila sa ating bayan. Hindi lamang para sa kanilang pagseserbisyo-publiko kundi dahil na rin sa pinapakita nilang determinasyon at dedikasyon sa kanilang adhikain na makatulong sa bayan.

Tiyak na mas marami pang mga Pilipino ang magnanais na sumunod sa kanilang mga yapak lalo na ngayon na kabi-kabila ang nababalitaan nating kaguluhan sa mga karatig-bansa natin. Kailangan nating magkaisa at magtulong-tulong bilang mga Pilipino.



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.