Connect with us

Showbiz

Keanu Reeves, nagregalo ng ilang Rolex na relo sa buong stunt team ng “The John Wick 5” pagkatapos nilang gawin ang pelikula!

Published

on

Si Keanu Charles Reeves o mas nakilala ng buong mundo bilang si Keanu Reeves ay 57 taong gulang na Canadian actor. Siya ay isinilang sa Beirut at lumaki sa Toronto. Noon pa man ay marami na ang pumupuri sa kaniya dahil sa pagiging propesyonal niya at pagiging mabuting tao.

Ilang mga fans niya ang nagbahagi ng ilang mga larawan ng aktor habang may mga babaeng nagpapakuha ng larawan kasama siya. Kapansin-pansin na hindi siya humahawak sa ano mang bahagi ng katawan ng babae bilang paggalang sa kanila.

Gayundin naman ay ilang mga larawan niya ang namataan kung saan makikitang nagbibigay siya ang pagkain sa mga taong nakatira sa lansangan, nakikipag-usap at nakikipagkuwentuhan din siya sa mga ito. Ang kaniyang net worth ngayon ay umabot na sa $360 million ngunit palagi pa rin siyang namamataang kumakain mag-isa ng paborito niyang sandwich habang nakaupo sa bench o di kaya naman ay suot suot ang kaniyang lumang sapatos at mga damit.

Hindi talaga mahilig bumili ng mamahaling mga gamit si Keanu kahit pa nga masasabi nating napakayaman na niya. Kamakailan lamang ay muli na naman siyang hinangaan at sinaluduhan ng publiko matapos niyang sorpresahin ng ilang mga Rolex watch ang buong stunt team ng pelikula nilang The John Wick 5!

Ilang “Rolex Submariner” din ang ibinigay niya sa apat na masisipag na stunt team ng naturang pelikula. Ito ay walang iba kundi sina Bruce Concepcion, Jeremy Marinas, Dave Camarillo, at Li Qiang.


Bago pa man ito ay marami nang mga artikulo ang lumalabas na talagang nagbabahagi ng kaniyang kita ang aktor sa kaniyang mga katrabaho bilang pagpapakita ng “appreciation” nito sa kanila. Oktubre 23 nang ibahagi ni Jeremy Marinas sa kaniyang social media ang ilang mga larawan ng natanggap nilang regalo mula sa bigating aktor.

Tinawag din nila itong“best wrap gift ever”. Ang steel Rolex Submariner ay nagkakahalaga pala ng $9,400 (RM 39,000) bawat isa at hindi lahat ay maaaring makabili nito dahil sobrang taas ng presyo nito sa grey market.

Maaalalang noong 2003 ay namigay din siya ng Harley-Davidson motorcycle sa 12 miyembro ng stunt team ng “The Matrix Reloaded”. Mayroon siyang bagong pelikula ngayong Disyembre, ang “The Matrix Resurrections” habang ang release naman ng “John Wick: Chapter 4” ay sa Mayo 2022.



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.