Connect with us

Showbiz

Mister, matapang na nagpa-vasectomy bilang sorpresa sa kaniyang misis na nagpaplanong magpa-ligate!

Published

on

Maraming mga kababaihan ang talagang nahihirapan sa kanilang pagbubuntis, panganganak, at maging sa pagpapalaki at pag-aalaga ng kanilang mga anak. Bagamat marami namang mga mister o mga lalaki na talagang tumutulong at nagiging katuwang ng mga kababaihan sa ngayon, mahirap pa ding ilarawan ang hirap at sakit na kanilang pinagdaraanan.

Hindi rin matatawaran ang mga pagbabago na kailangan nilang pagdaanan para lamang sa kanilang mga anak at sa binubuo nilang pamilya. Kamakailan lamang ay maraming mga netizens ang nagulat ngunit humanga at sumaludo sa isang mister na nakilala natin bilang si Emmanuel Andig Cortez.

Ibinahagi niya kasi sa social media kung paano niya pinag-isipan at kinonsidera ang sumailalim sa vasectomy upang mailigtas ang kaniyang misis sa hirap at sakit na maaari pang pagdaanan nito matapos niyang magsilang ng kanilang tatlong mga anak. Ibinahagi ng mister na naging masaya siya sa sakripisyong kaniyang ginawa at pinaalala din naman sa maraming mga kalalakihan na kayang-kaya din nilang sumailalim sa prosesong ito para sa kanilang mga asawa.

Hindi daw talaga lakas ng loob ang baon niya habang ginagawa niya ito dahil pagmamahal sa kaniyang asawa at sa kanilang pamilya ang talagang nasa isip at puso niya ng mga oras na iyon. Pabiro din niyang paalaala na huwag na huwag daw pupunta sa mga magagandang nars, doktor, o staff dahil talaga namang mahihiya daw ang kanilang alaga.

Tunay nga na hindi ito madali lalo na sa mga kalalakihan ngunit hindi rin naman daw ito nakakabawas ng pagkalalaki ayon kay Emmanuel. Laking pasasalamat din naman ng kaniyang misis dahil hindi na niya kailangan pang sumailalim sa ligation dahil sa ginawang ito ng kaniyang mister.

Nawa ay mas marami pang mga mister ang maging bukas ang pag-iisip tungkol sa ganitong pamamaraan ng family planning.

“Kung permanent ang hanap na contraceptive huwag na ligation go for vasectomy na. Kung interesado pumunta lang kayo sa private hospitals to inquire it may be 8k-15k pero if I were you ask first sa RHU or public hospitals near you if may schedule free sya.” Paalala pa ni Emmanuel.



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.