Connect with us

Showbiz

Aga Muchlach, nag-post ng isang throwback video kasama ang kaniyang mga anak na talaga namang miss na miss na niya!

Published

on

Si Ariel Aquino Muhlach o mas nakilala natin bilang si Aga Muchlach ay 52 taong gulang na matinee idol at isang batikang aktor. Marami na siyang natanggap na mga awards sa loob at labas ng bansa dahil sa pambihirang husay niya sa larangan ng pag-arte.

Ilan sa mga ito ay ang Star Awards, Maria Clara Awards, at FAMAS Award. Katulad ng kaniyang karera noong kaniyang kabataan ay naging makulay din ang kaniyang buhay pag-ibig dahil taong 2001 ay ikinasal siya kay Binibining Pilipinas Universe 1994 Charlene Gonzales na ngayon ay 47 taong gulang na ngunit ubod pa rin ng ganda.

Nabiyayaan sila ng kambal na anak, sina Atasha at Andres Muchlach. Kamakailan lamang ay nagbahagi ng throwback video si Aga kasama ang kaniyang anak na si Atasha kung saan makikita kung gaano ka-cute ang kaniyang unica hija noon.

Maririnig din sa video kung gaano ka-proud si Aga sa kaniyang anak na noon ay ganap nang modelo ng isang sikat na local brand.


“Oh my Atasha. And now she models for @benchtm. Who would have known?” Pahayag ng aktor.

Sumagot din naman si Atasha at sinabing “Love you, dad!”

Sa ngayon ay hindi kasama nina Aga at Charlene ang kanilang mga anak dahil sila ay kasalukuyang nasa ibang bansa upang mag-aral. Si Atasha ay nasa United Kingdom habang nasa Spain naman si Andres.

“How I wish I could turn back time and take care of my children more. Missing you both @atashamuhlach_ @aagupy. Your kuya @muhlachluigi has been taking care of me here. What more can I ask for… gift of family,” Pahayag pa ni Aga sa kaniyang post.

Sa naging Instagram post naman noon ni Charlene ay ibinahagi nitong sa unang taon ni Atasha sa pagkuha ng kaniyang business course ay sa pamamagitan ng online class ngunit ngayong Sophomore year na nito ay kailangan na niyang maging independent at maranasan ang mga bagay na nararanasan ng isang college student.



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.