Connect with us

Showbiz

Angeline Quinto, kumpirmadong buntis na sa kaniyang non-showbiz boyfriend!

Published

on

Si Angeline Ticman Quinto o mas nakilala natin bilang si Angeline Quinto ay 32 taong gulang na singer, aktres, komedyante, at vlogger. Siya ang naging kampeon noong 2011 sa “Star Power: Sharon’s Search For The Next Female Pop Superstar”.

Sa ngayon ay hindi na siya madalas gumawa ng mga pelikula o teleserye ngunit aktibo pa rin siya sa pag-awit. Maaalalang siya ang special guest ni Vice Ganda sa kaniyang naging concert sa California noong Oktubre 2021.

Ang singer-actress din at lumipad patungong Dubai para sa show niya sa Expo Dubai na ginanap noong Disyembre 8. Marami ang nagulat nang maging usap-usapan ang diumano ay pagbubuntis daw ni Angeline.

Masayang masaya din naman ang kaniyang mga tagahanga at tagasuporta dahil sa wakas ay mayroon nang panibagong biyaya ang natanggap ng singer. Ilang mga larawan at video clips din ang lumabas kung saan nagpaunlak ng interview si Angeline sa King of Talk na si Boy Abunda.

Ito lamang daw ang kaniyang pinagkakatiwalaan kung kaya naman nagpaunlak na siya ng panayam sa kaniya upang kumpirmahin na siya ay limang buwang buntis na sa kaniyang non-showbiz boyfriend. Gusto mang malaman ng kaniyang mga tagahanga kung sino nga ba talaga ang maswerteng lalaki sa buhay ngayon ng singer, minabuti na lamang niyang maging pribado ang kaniyang personal na buhay.

Hindi naman lingid sa kaalaman ng publiko na Nobyembre noong nakaraang taon nang pumanaw ang kaniyang Mama Bob na talagang isa sa pinakamahalagang tao sa kaniyang buhay. Labis siyang nasaktan at nagdalamhati sa pagkawala ng kaniyang ina ngunit pinilit pa rin niyang magpakatatag at magpatuloy sa buhay.

Talaga namang naging isang magandang inspirasyon siya sa marami niyang mga tagahanga. Sobrang hirap man ng kaniyang naging karanasan ay mayroon pa ring napakagandang biyaya na nakalaan para sa kaniya at ito nga ang kaniyang baby na ipinagbubuntis niya sa ngayon.



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.