Connect with us

Showbiz

Andi Eigenmann, magiging kontento at masaya pa rin daw kahit sa isang bahay kubo lang sila tumira basta’t kasama ang kaniyang fiancé na si Philmar Alipayo!

Published

on

Si Andrea Nicole Guck Eigenmann o mas hinangaan natin noon bilang si Andi Eigenmann ay 31 taong gulang na aktres, modelo, at vlogger. Siya ay anak ng mga batikang artista na sina Jaclyn Jose at ang nasirang Mark Gil.

Kung noon ay nasanay siyang mamuhay sa harapan ng kamera, lahat ng kaniyang galaw ay kalkulado ng publiko, ngayon ay masaya na siyang namumuhay sa tahimik na isla ng Siargao. Kapiling niya ang kaniyang mga anak na sina Ellie, panganay na anak niya sa dating karelasyon na si Jake Ejercito, sina Lilo at Koa na anak naman niya sa fiancé niyang si Philmar Alipayo na isang professional surfer.

Noong una ay marami ang bumabatikos at humuhusga sa aktres nang tuluyan niyang lisanin ang industriya ng showbiz. Pinagpalit niya kasi ang karangyaan at ang kasikatan upang manirahan ng tahimik at payapa sa isla.

Sa ngayon wala naman siyang pinagsisihan dahil sa labis labis ang kaligayahan ng buong mag-anak sa kanilang bagong tahanan. Abala din si Andi ngayon sa kanilang YouTube channel na “The Happy Islanders” kung saan niya ibinabahagi ang maraming mga kaganapan at kasiyahan ng kanilang buhay.

Marami na rin silang naging tagasuporta at tagahanga ngayon sa kanilang YouTube channel. Kamakailan lamang ay marami ang kinilig dahil sa naging pahayag ni Andi nang makakita sila ng isang bahay kubo.

Ayon sa aktres ay kaya niyang manirahan sa isang bahay kubo basta’t kasama niya ang kaniyang fiancé na si Philmar. Halata namang kinilig si Philmar sa nasambit na iyon ni Andi ngunit bumanat din ito ay sinabing hindi pwede sa kanila ang bahay kubo na iyon dahil gusto pa ni Philmar ng tatlong mga anak.

Talaga namang hindi magkamayaw ang maraming mga netizens sa kilig na hatid nina Andi at Philmar sa kanilang mga tagahanga. Patunay lamang ito na hindi yaman o kasikatan ang tanging dahilan upang maging tunay na maligaya ang isang tao.



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.