Connect with us

Showbiz

Mga Pinay celebrities na talaga namang nag-uumapaw sa kaseksihan suot ang kanilang Fendi swimsuits!

Published

on

Hindi lamang kagandahan, talento at kaseksihan ang hinahangaan natin sa mga paborito nating artista at personalidad. Madalas ay marami din silang mga pag-uugali, mga nakasanayan, at mga ginagawa na talaga namang nakakapukaw ng ating atensyon. Kalaunan ay naging usap-usapan ng maraming mga netizens ang ilang mga sikat na celebrities na nagpa-wow sa publiko dahil sa galing nilang magdala ng kanilang kasuotan. Lalo na ng mga swimsuits! Ilan sa mga ito ay sina Marian Rivera, Sofia Andres, Jinkee Pacquiao, Sarah Lahbati, at Rei Germar.

MARIAN RIVERA


Kahit nga dalawa na ang anak ng Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera ay hindi pa rin nito pinababayaan ang kaniyang kalusugan at ang kaniyang pangangatawan. Kung kaya naman hindi na nakapagtatakang awra kung awra talaga ang kaniyang mga swimsuits lalo na ang kaniyang Fendi brown lycra swimsuit. Ito ang kaniyang suot sa naging Halloween escapade nilang mag-anak sa Amanpulo noong Oktubre 2021.
“Kissed by the sun,” Caption ng aktres sa napakaganda niyang mga larawan.

JINKEE PACQUIAO


Hindi rin naman papahuli sa mga luxury pieces ang misis ni Sen. Manny Pacquiao na si Jinkee. Dahil suot din niya ang brown lycra swimsuit nang siya ay magdiwang ng kaniyang ika-42 taong kaarawan sa The Farm sa San Benito, Batangas nitong Enero 2021. Ang celebrity mommy ay naglagay ng kaniyang caption na “It’s just me and the pool,” sa kaniyang Instagram post na pinusuan ng maraming mga netizens.

SOFIA ANDRES


Si Sofia Andres ay isa ring certified hot momma sa kaniyang Fendi swimsuit. Nag-post siya ng larawan suot ang beachwear na ito noong Mayo 2021. Ito ay nagkakahalaga pala ng $530 o halos nasa P26,735.85.

SARAH LAHBATI


Maging ang misis ni Richard Gutierrez na si Sarah Lahbati ay mayroon ding suot na “Fendi x Fila swimsuit” na nagkakahalaga ng P35,357.12

REI GERMAR


Maging ang social-media content creator na si Rei Germar ay namataan ding suot ang bikini version ng Fendi’s logo swimwear na may halagang P24,717.56 at ang SKIMS na collaboration ng sikat na brand kay Kim Kardashian na may presyong P19,925.38.



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.