Connect with us

Showbiz

Sunshine Cruz, sobra sobra ang pasasalamat para sa kaniyang nobyo na si Macky Mathay dahil sa pagiging “father figure” nito sa kaniyang tatlong anak!

Published

on

Si Sunshine Cruz ay isang sikat na aktres at mang-aawit. Siya ay miyembro ng isang sikat na angkan ng mga artista ng mga Cruz na kilala sa pagiging talentado at mahusay na mga aktres at mang-aawit.

Taong 2000 ay ikinasal siya sa aktor at direktor na si Cesar Montano. Nabiyayaan sila ng tatlong mga anak, sina Angelina, Samantha, at Cheska.

Ngunit dahil na rin sa ilang mga personal na dahilan ay piniling hiwalayan ni Sunshine si Cesar. Ayon sa ilang mga ulat, pinagmamalupitan siya nito at pinipilit na makipagsiping.

Setyembre 2018 nang sa wakas ay mapawalang-bisa na ang kanilang kasal. Malaya na at single nang muli ang aktres. Ilang taon pa ang nakalipas at nakilala niya si Macky Mathay na half-brother ng kaniyang kaibigan na si Ara Mina.

Hindi na lingid sa kaalaman ng publiko ang limang taong relasyon nila na talaga namang puno ng pagmamahalan at suporta para sa isa’t-isa. Madalas ding nagbabahagi ng ilang mga larawan nila si Sunshine at noong nakaraang Father’s Day 2020 ay nagpahayag ito ng isang napaka-sweet na mensahe sa kaniyang minamahal.

“My Macky! Happy Father’s Day! I don’t know if thanking you is enough for the love and support you’ve been giving not just to me and to your children but to my three girls and pur dogs as well. Mag-aapat na taon na! Napakabuti mong tao.” Pahayag ni Sunshine.

Punong-puno din daw ng pagmamahal ang kaniyang nobyo at dahil sa pagmamahal na ito ay naibabahagi din niya ito sa mga taong nakakasama niya. Sobrang blessed din daw niya at ng kaniyang mga anak dahil naririyan si Macky para sa kanila.

Si Sunshine ang siyang nagtaguyod at sumuporta sa kaniyang tatlong anak nang maghiwalay sila ni Cesar kung kaya naman talagang labis ang pasasalamat niya sa pagsuporta ni Macky sa kaniya. Si Macky ay isang businessman at dati nang kasal kay Camille Farinas, mayroon silang tatlong anak na sina Roan, Coline, at Charlize.



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.