Connect with us

Showbiz

Derek Ramsay, tunay na anak kung ituring si Elias Modesto na anak ng kaniyang asawa sa dating karelasyon na si John Lloyd Cruz!

Published

on

“Whirlwind romance” kung ilarawan ng maraming mga netizens ang pag-iibigan nina Ellen Adarna at Derek Ramsay. Maraming nagsasabi na hindi naman talaga tatagal ang kanilang relasyon dahil nga ito ay naging biglaan lamang.

Ngunit pinatunayan nilang wala sa tagal ng panahon ang tunay na pag-ibig dahil nasa pagmamahalan ito ng dalawang tao na nais makasama ang isa’t-isa nang panghabang-buhay. Nito lamang Nobyembre 11 ay tinuldukan na nila ang usap-usapang laro lamang ang kanilang relasyon dahil sa wakas ay nagpakasal na ang dalawa.

Talaga namang enggrande at pinaghandaan nang husto ang espesyal na araw nila. Nakasama nila ang malalapit nilang mga kaibigan at kapamilya.

Maging ang mga anak nila sa mga nauna nilang relasyon ay naroroon din upang saksihan at suportahan ang kanilang pagpapakasal. Naroon ang 18 taong gulang na anak ni Derek sa dati niyang asawa na si Mary Christine Jolly na si Austin Gabriel Ramsay at ang anak ni Ellen sa dating nobyong si John Lloyd Cruz, ang 3 taong gulang na si Elias Modesto.

Maraming mga netizens ang nakapansin sa pagmamahal at pagmamalasakit na ipinapakita ng aktor sa anak ni Ellen. Kapansin-pansin na tunay na anak na rin ang turing ni Derek kay Elias.
Mahahalata din na komportableng-komportable ang bata sa kaniya kung kaya naman talagang hinangaan ito ng maraming mga netizens. Hindi lamang isang mapagmahal na mister si Derek kundi isa ring maalagang step dad kay Elias.

Wala din namang masabi ang aktor na si John Lloyd sa relasyon nina Derek at Elias dahil para sa batikang aktor ay mabuting tao din naman si Derek na talagang nagmamahal at nag-aalaga sa kaniyang anak. Malaki rin ang pasasalamat ni John Lloyd kina Ellen at Derek.

“Present father” din naman kung ilarawan ni Ellen ang dating nobyo. Sa ngayon ay nasa co-parenting status ang dalawa. Nananatili namang single si John Lloyd na kababalik pa lamang muli sa showbiz.



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.