Connect with us

Showbiz

Coleen Garcia, nagbahagi ng ilang cute na mga larawan nila ni Baby Amari habang sila ay nagbabakasyon!

Published

on

Si Danielle Claudine Ortega Garcia-Crawford o mas nakilala natin bilang si Coleen Garcia ay 29 na taong gulang na aktres, host, at modelo. Bata pa lamang siya ay madalas na siyang maging laman ng mga commercials hanggang siya ay maging isang teenager.

Naipamalas din niya ang pambihirang husay niya sa pag-arte nang mabigyan siya ng ilang mga teleserye at pelikula. Nabigyan din siya ng pagkakataon na maging isa sa mga host ng “It’s Showtime”.

Taong 2018 nang siya ay ikasal sa aktor, musician, singer, dancer, comedia, at television host na si Billy Crawford. Setyembre 2020 naman nang isilang niya ang panganay nilang anak na si Baby Amari sa pamamagitan ng water birth.

Tunay nga na mas naging masaya at makulay ang buhay nilang mag-asawa nang dumating ang kanilang anak. Mahirap man at marami mang mga dumating na pagsubok ay naging matatag pa rin ang dalawa.

Kamakailan lamang ay nagbahagi ng ilang mga larawan si Coleen nang naging bakasyon nila sa Casa Flora sa Cabiao, Nueva Ecija. Talaga namang kitang-kita ang labis na kasiyahan ni Coleen at ng kaniyang anak na si Baby Amari.

Maraming mga netizens ang nakapansin sa napakacute na si Baby Amari. Bungisngis at talaga namang masayang masaya ito na kasama niya ang kaniyang ina ng mga oras na iyon.

Maging ang messy hair ni Coleen ay marami din ang nakapuna, kahit daw medyo magulo ang kaniyang buhok ay nag-uumapaw pa rin ang kagandahan nito. Tunay nga na bagay na bagay sa kaniya ang maging isang ina at halata naman din na nae-enjoy niya ito.

Maraming mga magulang ang tiyak na sasang-ayon na wala tayong ibang nais kundi ang ikasasaya ng ating mga anak. Kung kaya naman talagang sinisigurado ng mag-asawang Billy at Coleen na magiging masaya ang paglaki ng kanilang unico hijo.

Marami din ang nagmamahal kay Baby Amari at sa Crawford family.



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.