Connect with us

Showbiz

Siya pala ang napakagandang anak ni Jestoni Alarcon na si Angela Alarcon! Kilalanin natin siya.

Published

on

Si Anthony Jesus Alarcon o mas nakilala natin bilang si Jestoni Alarcon ay 57 taong gulang na aktor at pulitiko. Siya ay nagsilbi bilang isang konsehal ng Antipolo noong 2001 hanggang 2004.

Naging Vice Governor din siya ng probinsiya ng Rizal noong 2004 hanggang 2007. Taong 2013 naman nang manalo siya bilang board member ng 1st District ng Rizal.

Sa ngayon ay madalang na siyang makita at mapanuod sa harap ng kamera ngunit marami pa rin ang humahanga at sumusuporta sa kaniya. Isa siya sa pinakasikat na aktor noong dekada ’90.

Marami din siyang nagawang mga proyekto kung saan talaga namang nakilala rin siya at ang kaniyang talento bilang isang mahusay na aktor. Siya ay kasal sa kaniyang asawang si Lizzette Alarcon at nabiyayaan sila ng tatlong mga anak sina Jessica, Anthony, at Angela.

Sa tatlong mga anak ng batikang aktor ay isa si Angela sa talaga namang gumagawa ng ingay ngayon sa showbiz. Proud daddy naman si Jestoni para sa kaniyang anak.

Ngunit bago pa man pala pasukin ni Angela ang showbiz ay talagang pinagtuunan niya muna ng pansin ang kaniyang pag-aaral. Sa katunayan ay nagtapos siya ng Speech Communication sa Unibersidad ng Pilipinas Diliman.

Nagtapos siya bilang cum laude. Hindi lamang siya mahusay rito dahil sa hilig din pala niya ang isports tulad na lamang ng basketball, boxing, at volleyball.

Naging bahagi din siya ng Bottle Cap Challenge sa Taekwondo at naging isang blackbelter sa kanilang unibersidad. Dahil na rin sa inuna ni Angela ang kaniyang pag-aaral bago pasukin ang showbiz ay mas sinuportahan siya ng kaniyang mga magulang.

Sa katunayan ay mayroon ding payo sa kaniya ang kaniyang ama. Dapat daw siyang magpokus sa kaniyang trabaho at gawin ang kaniyang “best” palagi dahil isang maliit na pagkakamali lamang kahit sa kaniyang mga linya ay talagang marami na ang babatikos at huhusga sa kaniya.

Dahil dito ay maaari siyang masaktan sa sasabihin ng iba ngunit hindi raw siya dapat magpaapekto dito.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media