Connect with us

Showbiz

Anak ni Mark Anthony Fernandez na si Grae Fernandez, unti-unti ring gumagawa ng pangalan sa show biz tulad ng kaniyang ama!

Published

on

Si Mark Anthony Lacsamana Fernandez ay 42 taong gulang na aktor. Siya ang anak ng nasirang action star na si Rudy Fernandez at actress-politician na si Alma Moreno.

Ang kaniyang mga kapatid ay sina Vandolph, Renz Fernandez, Teresita Ssen Marquez, Raphael Fernandez, at Maria Maal Venesa Marquez. Marami nang isyu at kontrobersiya ang kaniyang kinasangkutan at talaga namang marami na rin siyang natanggap na pambabatikos at panghuhusga mula sa publiko.

Sa kabila nito ay marami pa rin ang sumusuporta sa kaniya. Kamakailan lamang ay marami ang nakapansin na tila kamukha niya ang isang pasibol pa lamang na aktor.

Ito ay si Grae Fernandez. Lingid sa kaalaman ng publiko ay anak pala talaga ito ni Mark Anthony sa kaniyang dating asawa na si Melissa Garcia.

Siya ay 20 taong gulang na si Grae Cameron Garcia Fernandez, 20 taong gulang na teen actor, host at recording artist. Isa siya sa mga vocalists ng teen boy-group ng Star Magic na “Gimme 5”.
Ilang mga proyekto na rin ang kaniyang kinabilangan tulad na lamang ng “Spirits: Reawaken”, “Starla”, “Hiwaga ng Kambat”, at “Ang sa Iyo ay Akin”. Sa isang panayam ay ibinahagi naman ni Mark Anthony kung gaano siya kasaya at ka-proud sa kaniyang anak.

“I’m happy with everything that has been happening to my son now. Alam ko ‘yung puso niya. Gusto niya talagang maging artista. Natutuwa talaga ako at nagsusumikap siya.” Pahayag ni Mark.

Hindi na rin daw siya nagdalawang-isip pa na magkusang-loob ng pagbibigay ng payo sa kaniyang anak. Proud daw siya bilang tatay dahil mayroong magandang nangyari sa kaniyang anak.

Nagbibinata na daw talaga ito at talagang nagiging independent. Pinaalalahanan din niya ang anak na huwag mawalan ng pasensiya sa pagiging isang aktor dahil darating din ang tamang panahong upang siya ay makilala at talagang magtagumpay sa industriya.

Tunay nga na sumusunod sa yapak ng kaniyang ama si Grae Fernandez at unti-unti na ring nagpapakilala sa showbiz.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media