Connect with us

Showbiz

Keannu Reeves, isang simple at mapagpakumbaba pa rin sa kabila ng kaniyang katanyagan at kayamanan!

Published

on

Si Keanu Charles Reeves ay 57 taong gulang na Canadian actor. Siya ay isinilang sa Beirut at lumaki sa Toronto.

Sa murang edad ay talagang pinatunayan na niya kung gaano siya kahusay na aktor. Sa edad na 17 taong gulang ay nagsimula na siyang gumawa ng mga proyekto.

Nakatanggap din siya ng maraming parangal sa trilogy na “The Matrix”. Ngunit sa kabila ng kaniyang kasikatan at kayamanan ay talagang nananatili pa rin siyang mapagpakumbaba at simple.

Hindi tulad ng mga sikat na Hollywood personalities ay wala siyang bodyguards, hindi rin siya mahilig sa mga mamahaling damit at sasakyan. Sa isang simpleng tirahan niya lamang nais tumira at madalas ay nakikita siyang namamahinga sa mga “bench” habang kumakain ng paborito niyang sandwich.

Madalas na nakikita si Keannu na nakasuot lamang ng t-shirt at pantalon at ang kaniyang lumang sapatos. Hindi rin siya natatakot o nagdadalawang-isip na kumausap ng mga taong naninirahan sa mga bangketa.

Maraming mga netizens din ang nakapansin sa kaniya dahil sa kaniyang angking kagwapuhan at kakisigan. Bampira kung siya ay tawagin ng marami niyang mga tagahanga dahil sa hindi talaga tumatanda ang kaniyang hitsura maging ang kaniyang pangangatawan ay hindi rin nagbabago.


Taong 1999 nang mapabalita ang pagdadalang-tao ng kaniyang nobya na si Jennifer Syme ngunit dahil marahil sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot ay namatay ang kanilang anak sa kaniyang sinapupunan noong ito ay walang buwang buntis pa lamang. Matapos mamatay ng kanilang sanggol na lalaki ay nasawi naman sa isang aksidente si Jennifer.

Nang sumunod na mga taon ay na-diagnose naman ang kaniyang kapatid ng isang malalang sakit, kanser sa dugo. Dito na nagsimula ang pagdodonate niya ng kaniyang mga kinita sa kaniyang mga pelikula sa pagpapagamot ng kaniyang kapatid.

Hanggang kalaunan at nagiging anonymous donor na rin siya ng ilang mga organisasyon na tumutulong sa mga taong mayroong malalang sakit tulad ng kanser. Tunay nga na isa siya sa pinakamayaman at pinakasikat na aktor ngayon sa buong mundo ngunit kailanman ay hindi siya nagpaalipinsa pera at kasikatan.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media